(SA PAGBOTO NGA BA DAPAT?)
ANG PAGKAKAISA AY LUBHANG MAHALAGA SA SIMBAHAN, ITO AY NAGIGING DAAN UPANG MAGING MASIGLA ANG MGA KAANIB NITO. ANG PAGKAKAISANG IPINATUTUPAD SA SIMBAHAN, AY MAKAKATULONG DIN PARA SA MGA KAPAKANANG PAMBAYAN.
MAHALAGA NA ANG ARAL NG DIYOS NA IPINATUTUPAD NG SIMBAHAN, AY NAAAYON SA TUNAY NITONG DIWA AT HINDI AYON LAMANG SA PANSARILING INTERPRETASYON.
SA PINANGGALINGAN KONG SEKTA NG PANANAMPALATAYA: ANG IGLESI NI GINOONG MANALO. MAHIGPIT NILANG ITINUTURO ANG PAGKAKAISA SA MGA KAANIB. KINALAKIHAN KO ANG ARAL NA ITO, HANGGANG SA AKO AY SUMAPIT SA HUSTONG TAONG GULANG.
NAKAKASIGURO TAYO, NA WALANG ANUMANG RELIHIYON ANG MAGTUTURO SA KANIYANG MIYEMBRO NA MAGKAWATAK-WATAK O MAGKABAHA-BAHAGI. PERO ANG TURO NG INC, ANG PAGKAKAISA DAW AY UKOL SA “PAGBOTO” TUWING ELEKSIYON.
SA KANILANG PAGTUTURO NG “PAGKAKAISA”, ANG MGA MINISTRO NG INC AY GUMAGAMIT DIN NG BASEHAN SA BIBLIA: ANG AKLAT NG I CORINTO KABANATA 1 AT TALATANG 10:
Mga kapatid ako’y nakikiusap sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, magkaisa kayo at huwag magkabaha-bahagi maging sa isipan at maging sa layunin.
AYON SA MGA INC, ANG “PAGBOTO” AY ISANG LAYUNIN NG PAGPAPASIYA.
KAYA DAPAT DAW PAGBUMOTO ANG MGA IGLESIA, NAGKAKAISA AT HINDI BAHA-BAHAGI. GINAGAWA DAW NILA ANG PAGKAKAISA SA PAGBOTO, ALANG-ALANG SA PANGALAN NI CRISTO.
KINALAKIHAN KO ANG ARAL NA ITO, MATAGAL AKONG PINANIWALA NG MGA MANALISTA NA ITO AY TUTOO. KAHIT SINO NAMAN, MAAAKIT NG MGA INC. DINADAAN NILA SA MATATAMIS NA PANGUNGUSAP, ANG PAGTUTURO NG MGA MALING ARAL.
IGINAGALANG NATIN ANG ARAL NA ITO NG MGA MANALISTA, SUBALIT TAYO AY MAY PANANAGUTAN NA ITUWID ANG ALAM NATIN NA MALING TURO. ANG BANAL NA KASULATAN AY MAY PAALALA, SA MGA TAONG NAKAKAALAM NG KATOTOHANAN. GANITO ANG PAHAYAG SA AKALAT NG II TIMOTEO, TALATANG 3, KABANATANG 16:
Ang lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagatatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong Gawain at pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay.
SA PUNTONG ITO, TAYO AY KASANGKAPAN LAMANG AT BIBLIA ANG MAGBIBIGAY LINAW SA ARAL NA ITO NG INC: TUTOO BA NA ANG NAKASULAT SA AKLAT NG I CORINTO KABANATA 1 AT TALATANG 10, AY NAPATUTUNGKOL SA “PAGKAKAISA NG IBOBOTO TUWING ELEKSIYON” SA BANSA?
KUNG TUTOO ANG TURONG ITO NG INC, ITO BA AY HINDI MAKAKAROON NG KOMPLIKASYON SA ARAL NG BIBLIA UKOL DITO? UMAAYON BA SA BATAS NG DIYOS AT BATAS NG TAO, NA DIKTAHAN ANG MGA KAANIB NG RELIHIYON UKOL SA KUNG SINO ANG DAPAT “IBOTO”?
ANG PINAKAMAHALAGANG TANONG NA DAPAT MASAGOT AY ITO: TUTOO BA NA ANG NAKASULAT SA AKLAT NG I CORINTO KABANATA 1 AT TALATANG 10, AY NAPATUTUNGKOL SA “PAGKAKAISA NG IBOBOTO TUWING ELEKSIYON” SA BANSA?
KAPANSIN-PANSIN ANG PAGKAKASULAT NA ITO NI APOSTOL PABLO, “MGA KAPATID AKO’Y NAKIKIUSAP SA INYO”. MALINAW MAY IPINAKIKIUSAP SI APOSTOL PABLO SA MGA UNANG KRISTIYANO, ANO BA ANG KANIYANG IPINAKIKIUSAP? “MAGKAISA KAYO, AT HUWAG MAGKABAHA-BAHAGI MAGING SA ISIPAN AT MAGING SA LAYUNIN”.
ANG NAKASULAT BA SA I CORINTO KABANATA 1 AT TALATANG 10, AY UKOL SA PAGDIDIKTA NI PABLO NA “KUNG SINO ANG DAPAT NILANG IBOTO SA ELEKSIYON NG MGA PANAHONG IYON”?
BAKIT MAHIGPIT ANG PAKIUSAP NI APOSTOL PABLO SA MGA KAPATID? KATUNAYAN GINAMIT PA NIYA ANG PANGALAN NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO.
ANO ANG TUNAY NA DAHILAN SA MAHIGPIT NA PAKIKIUSAP NI APOSTOL PABLO? TUNGHAYAN NATIN ANG I CORINTO, KABANATA 11, TALATANG 16 AT 18:
Ngunit kung may gusto pang makipagtalo tungkol dito, wala akong masasabi kundi ito: sa
pagsamba , wala kaming ganoong kaugalian, gayundin ang mga iglesia ng Diyos. Una sa
lahat, nabalitaan ko na kayo’y nagpapangkat-pangkat sa inyong pagtitipon, at ako’y
naniniwalang may katotohanan iyan.
ANG UNANG TANONG NATIN AY ITO: TUTOO BA NA ANG NAKASULAT SA AKLAT NG I CORINTO KABANATA 1 AT TALATANG 10, AY NAPATUTUNGKOL SA “PAGKAKAISA NG IBOBOTO TUWING ELEKSIYON” SA BANSA?
WALANG KINALAMAN SA PULITIKA ANG NILALAMAN NG I CORINTO KABANATA 1 AT TALATANG 10, AT LALUNG HINDI NAGDIKTA SI APOSTOL PABLO SA MGA KAPATID, UKOL SA KANDIDATONG DAPAT IBOTO. SI GINOONG FELIX MANALO LANG, ANG NAGBIGAY NG GANITONG INTERPRETASYON.
ANG PINAG-UUSAPAN SA I CORINTO 1:10, AY UKOL SA PAGKAKATIPON O PAGSAMBA. SA TAGPONG ITO AY MAY NAGBALITA KAY APOSTOL PABLO, NA ANG MGA UNANG KAPATIRAN AY NAGPANGKAT-PANGKAT (O NAGKABAHA-BAHAGI SA PAGTITIPON O PAGSAMBA).
MALINAW ANG TUGON NG BIBLIA, WALA KINALAMAN SA PULITIKA ANG NAKASULAT SA I CORINTO KABANATA 1 AT TALATANG 10. ANG BIBLIA AY MAY PATUNAY, NA HINDI PULITIKA ANG DAHILAN KAYA NAKIUSAP SI APOSTOL PABLO NA MAGKAISA ANG UNANG MGA KRISTIYANO. SA I CORINTO KABANATA 1, TALATANG 11 AT 12, AY GANITO ANG NAKASULAT.
Sapagkat ibinalita sa akin ng mga kasamahan ni Cloe na kayo raw ay nag-aaway-away. Ito ang tinutukoy ko: may nagsasabing “kay Pablo ako.”, may nagsasabi namang “kay Apolos.”. May iba pa ring nagsasabi, “kay Pedro ako.”, at may iba namang nagsasabi “ako’y kay Cristo.”
ANG NAGING DAHILAN NG PAGKAKABAHA-BAHAGI SA MGA UNANG KRISTIYANO, AY HINDI DAHIL SA MGA KANDIDATO O MGA PULITIKO. SILA’Y NAGKAMPI-KAMPI PARA SA MGA UNANG LINGKOD DIN NG DIYOS O TAGAPAMUNO NG IGLESIA O SIMBAHAN.
MALINAW ANG BANGGIT NG BIBLIA, MAY NAGSABING: “KAY PEDRO AKO”, “KAY APOLOS”, “KAY PABLO” AT “KAY KRISTO AKO”. NAKIUSAP SI PABLO NA “MAGKAISA” ANG UNANG MGA LINGKOD NG DIYOS, PARA SA PANANAMPALATAYA”. DITO AY WALANG BINANGGIT NA MGA KANDIDATO O PARTIDONG PAMPULITIKA.
BAKIT GINAMIT NI APOSTOL PABLO ANG PANGALAN NI JESUS, NG SABIHIN NIYANG: “MAGKAISA KAYO, AT HUWAG MAGKABAHA-BAHAGI MAGING SA ISIPAN AT MAGING SA LAYUNIN”? ANO BA ANG KAUGNAYAN NITO, BILANG MGA KRISTIYANO O TAGASUNOD NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO?
HAYAAN NATIN NA MISMONG SI APOSTOL PABLO ANG SUMAGOT SA ATING KATANUNGAN. SA AKLAT NG I COR. 1:13 AT 12:12.
Bakit nahati ba si Cristo?, Si Pablo ba ang ipinako sa krus para sa inyo?, binautismuhan ba kayo sa panglan niya?. . . . . Si Cristo’y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi. Kahit na binubuo ng iba’t-ibang bahagi, ito ay nanatiling iisang katawan.
DITO AY NILINAW SA ATIN, HINDI NAHATI ANG KATAWAN NI CRISTO. IBIG SABIHIN, ANG MGA KRISTIYANO AY TAGASUNOD NG IISANG CRISTO. KAANIB ANG MARAMI AT SA IISANG KATA NG PANGINOON.
MISMONG ANG ATING PANGINOONG JESUS, AY MAY PAGTUTURO KUNG SAAN DAPAT MAGKAISA ANG MGA TUNAY NA KRISTIYANO. KANINO BA TAYO DAPAT MAGKAISA, SA MGA KANDIDATO BA TUWING MAY ELEKSIYON?
BIBLIA MULI ANG SASAGOT SA ATIN, SA AKLAT NG JUAN SA KABANATA 17, TALATANG 21 AT 22 AY GANITO ANG NAKASULAT:
Ama, maging isa nawa silang lahat. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako ay nasa iyo, gayundin naman, maging isa nawa sila sa atin upang ang mga tao sa daigdig ay maniwala na Ikaw ang nagsugo sa akin. Ibibigay ko sa kanila ang karangalang ibinigay mo sa akin upang sila’y ganap na maging isa, tulad mo at ako na iisa.
DUMALANGIN ANG ATING PANGINOONG JESUCRISTO, “Ama, maging isa nawa
silang lahat”. DITO AY MALINAW NA DAPAT MAGING ISA O MAGKAISA
ANG MGA TUNAY LINGKOD NG DIYOS. KANINO DAPAT MAKIISA O MAGKAISA?
“gayundin naman, maging isa nawa sila sa atin”. TAYO AY DAPAT MAG-
KAISA PARA SA DIYOS AMA AT KAY JESUS NA ATING PANGINOON.
ANG SABI NI APOSTOL PABLO, “magkaisa kayo at huwag magkabaha-
bahagi maging sa isipan at maging sa layunin”. ANG SABI NAMAN NI
JESUS SA AMA, “maging isa nawa sila sa atin”.
NAPAKALAYO NG “MAGKAISA SA AMA AT KAY JESUS”, SA “MAGKAISA SA
PAGBOTO NG KANDIDATO TUWING ELEKSIYON”. BIBLIA ANG NAGPATUNAY,
NA SINALUNGAT NI GINOONG FELIX MANALO ANG TUNAY NA ARAL NG DIYOS.
DAHIL DITO, ANO ANG BABALA NG BIBLIA SA MGA TUNAY NA KRISTIYANO?
AKLAT NG ROMA, KABANATA 16 AT TALATANG 17:
Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo: mag-ingat kayo sa mga pasimuno ng mga pagkakampi-kampi at sanhi ng pagtalikod dahil sa pagsalungat nila sa mga aral na tinanggap ninyo. Iwasan ninyo sila.
TAYO AY PINAG-IINGAT NG BANAL NA KASULATAN, SA MGA TAONG SINASALUNGAT ANG TUNAY NA TURO NG DIYOS. BAKIT DAPAT MAG-INGAT SA MGA TAONG NAGTUTURO NG MALI O SALUNGAT SA TUNAY NA ARAL NG DIYOS?
AKLAT NG ROMA, KABANATA 16 AT TALATANG 18:
Ang mga taong gayon ay hindi naglilingkod para kay Cristo na Panginoon natin, kundi para sa hindi naglilingkod para kay Cristo, kundi para sa pansariling hangarin. Inililigaw nila ang mga may mahinang pag-iisip sa pamamagitan ng kaakit-akit at matatamis na pangungusap.
KAPAG ANG TURO AY SALUNGAT SA TUNAY NA ARAL NG DIYOS, ANG SABI NG BIBLIA “hindi naglilingkod para kay Cristo”. ANO ANG KANILANG SINUSUNOD? “kundi para sa pansariling hangarin”.
ANO ANG LAYUNIN NG MGA TAONG ANG TURO AY SALUNGAT SA TUNAY NA ARAL NG DIYOS, “Inililigaw nila ang mga may mahinang pag-iisip”. PAPAANO NILA INILILIGAW ANG MGA TAO UPANG SUMUNOD SA MALING ARAL? “sa pamamagitan ng kaakit-akit at matatamis na pangungusap”.
SA HALIP NA PAMUMULITIKA O PAGDIKTA SA “KUNG SINO ANG DAPAT IBOTO”, ANO BA DAPAT ANG ITAGUYOD NG MGA TUNAY NA LINGKOD NG DIYOS?
BIBLIA MULI ANG SASAGOT SA ATIN, SA AKLAT NG ROMA SA KABANATA 5, TALATANG 2, AT 5 HANGGANG 6 AY GANITO ANG NAKASULAT:
Sikapin nating lahat na itaguyod ang kapakanan ng ating kapuwa para sa ikalalakas ng kaniyang pananampalataya. Ipagkaloob nawa ng Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng katatagan at lakas ng loob, na kayo’y mamuhay ng may pagkakaisa kay Cristo Jesus. Upang sa gayon, nagkakaisa kayong nagpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
WALANG SINABI ANG BIBLIA NA, “MAGKAISA KAYO SA PAGILI NG KANDIDATONG IBOBOTO”. MALINAW ANG DAPAT NA ITAGUYOD NG MGA TUNAY NA LINGKOD NG DIYOS, “mamuhay ng may pagkakaisa kay Cristo Jesus”.
SA ILALIM NG BATAS O KONSTITUSIYON NA UMIIRAL SA ATING PAMAHALAAN,
ANG PAGBOTO AY ISANG MALAYANG TUNGKULIN AT KARAPATAN NG BAWAT MAMAMAYAN. SAKLAW NG BAWAT BATAS NG PAMAMAHALAAN, ANG PROBISYON SA PAGSUNOD DITO. ANG TUNAY NA LINGKOD NG DIYOS, AY DAPAT SUMUNOD SA PAMAMAHALANG UMIIRAL SA ATIN.
kUNG ANG UMIIRAL NA BATAS, AY HINDI MAKAKA-PINSALA SA PANANAMPALATAYA. KATUNGKULAN NG PAMUNUAN NG TUNAY NA SIMBAHAN NG DIYOS, NA ANG KANIYANG NASASAKUPAN AY TURUANG PASAKOP SA BATAS NG GOBYERNO O PAMAHALAAN.
BAKIT DAPAT NA ANG TUNAY NA SIMBAHAN NG DIYOS, AY TURUAN ANG MGA TAO NA PASAKOP SA BATAS NG GOBYERNO O PAMAHALAAN?
BASAHIN NATIN ANG TAGUBILIN NG BANALA NA KASULATAN, SA AKALAT NG ROMA, KABANATA 13 AT TALATANG 1:
Ang bawat tao’y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral.
ANG LAHAT NG TAO AY MAY TUNGKULIN NA MAGPASAKOP SA PAMAHALAAN AT SUMUNOD SA MGA BATAS NITO. ANG PAGKAKAROON NG PAMAMAHALA AY AYON SA PASIYA NG DIYOS.
MAY TAMANG PAGSUNOD SA BATAS NG TAO AT MAY TAMANG PAGSUNOD SA MGA BATAS NG DIYOS. KUNG TUNGKULIN NG SIMBAHAN NA TURUANG SUMUNOD ANG TAO SA BATAS NG PAMAMAHALA, DAPAT DING IGALANG ANG KARAPATAN NITO SA ILALIM NG UMIIRAL NA PAMAMAHALA.
BAKIT MAHALAGA NA MAKIPAG-KAISA KAY CRISTO, SA HALIP NA MAGKAISA SA PAGPILI NG KANDIDATO O MGA PULITIKO?
ITO ANG PAALALA NG BIBLIA SA AKLAT NG EFESO KABANATA 2 AT TALATANG 6:
Dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus, tayo’y muling binuhay na kaasama niya upang mamunong kasama Niya sa kalangitan.
NARARAPAT LAMANG, NA ANG ISANG MABUTING MAMAMAYAN AY MAKILAHOK SA MALAYA AT MALINIS NA HALALAN. SUBALIT HINDI DAPAT GAMITIN ANG PANANAMPALATAYA, UPANG OBLIGAHIN ANG TAO SA GUSTO NITONG IBOTO. BUHAY NA WALANG HANGGAN ANG BIYAYA, KAPAG ANG TAO AY NAKIKIPAG-ISA KAY CRISTO JESUS AT HINDI SA PULITIKO.
SA ATING MGA KAPANALIG, MAHALAGA SA AMIN NA KAYO AY MANATILI SA TUNAY NA PANANAMPALATAYA, DITO SA ATING MAHAL NA SIMBAHANG KATOLIKA. HUWAG TAYONG MAGPAPA-AKIT SA MGA MALING TURO NG IBANG SEKTA NG PANANAMPALATAYA.
ANG BANAL NA KASULATAN AY LAGING MAY PAALALA SA ATIN. GANITO ANG NAKASULAT SA AKLAT NG II TIMOTEO, KABANATA 3 AT TALATANG 15 HANGGANG 16:
“Ang lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtutro ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan. . . .”
GAMITIN NATIN ANG KASULATAN NA KINASIHAN NG DIYOS, UPANG ITAMA ANG MGA MALING ARAL.
ANG DIYOS ANG NAGPASIYA, SA PAGKAKAROON NG GOBYERNO O PAMAMAHALA. TAYONG MGA MAMAMAYAN, AY MAY KALAYAANG PUMILI NG MGA MANUNUNGKULAN DITO.
ANG PAHAYAG NGA NG BIBLIA: “IBIGAY KAY CEZAR ANG KAY CEZAR AT SA PANGINOON ANG SA PANGINOON” ( MARCOS 12:17). KUNG SA BATAS NG TAO, ITO ANG TINATAWAG NA “SEPARATION OF STATE AND CHURCH”.
ANG MGA TUNAY NA KRISTIYANO AY SUMUSUNOD SA BATAS NG GOBYERNO AT PUMUPURI SA IISANG DIYOS SA LANGIT, SA PAMAMAGITAN NI JESUS NA KANIYANG ANAK.
ANG KATUNAYAN, MAY SEKTA NG RELIHIYON NGAYON (SAKSI NI JEHOVAH) ANG HINDI GUMAGALANG SA BATAS NG PAMAHALAAN. HINDI SILA (SAKSI) GUMAGALANG SA BANDILA, PAMBANSANG AWIT AT BAWAL SA KANILA NA MAGLINGKOD SA GOBYERNO.
KATULAD NG ATING SINASABI, IGINAGALANG NATIN ANG TURO NG IBANG SEKTA. SUBALIT KATUNGKULAN NATIN NA BIGYANG PROTEKSIYON ANG ATING MGA KAPANALIG, UPANG HINDI MAIBIKTIMA NG MGA SALUNGAT NA ARAL AT IKAPAPAHAMAK.
ANG LATHALAING ITO AY WALA PONG LAYUNIN NA MAKASAKIT NG DAMDAMIN, NG MGA TAONG KAANIB NG IBANG SEKTA, AT MGA NAMUMUNO SA IBANG SEKTA.
TAYO PO AY KASANGKAPAN LAMANG, ANG SALITA NG DIYOS NA NAKASULAT SA BIBLIA. . . . ANG NAGBIBIGAY LINAW SA ATIN PARA SA MGA TAMANG KATURUAN.
KARAGDAGANG MGA TALATA:
JUAN 17:21
Ama, maging isa nawa silang lahat. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako’y nasa iyo, gayun din naman, maging isa nawa sila sa atin upang ang mga tao sa daigdig ay maniwala na ikaw ang nagsugo sa akin.
I CORINTO 1:30
Sa kaniya nagmula ang buhay na taglay ninyo dahil sa pakikipagkaisa ninyo kay Cristo-Jesus na siyang ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan din niya, tayo’y itinuring na matuwid, ginawang banal at iniligtas ng Diyos.