John 17:3 Ito naman ang buhay na magpakailanman: ang makilala ka, ang tanging TOTOONG Diyos at si Jesucristong sinugo mo
Sa atin pong literal na pagkakaunawa iisipin nating may ipinapakilala ang Panginoong Jesus na TUNAY NA DIYOS at siya ay isinugo lamang at nangangahulugang siya’y hindi kapantay ng Diyos at hindi Diyos. Ganito kung unuwain ito ng ilang mga sektang laban sa aral ng katoliko.
Saan po ba galing ang isinugo bago siya naging tao?
Ang Sinugo ay mula sa Nagsugo. Kung ang Nagsugo ay Diyos gayundin naman ang Sinugo dahil they are equal in nature and essence of deity (Fil 2:5-7; Col 2:9; Tito 2:13; Roma 9:5; John 17:10; 14:7 &10; 16:15; 10:30; 1Pedro 1:20; Heb 1:8; 1Tim 3:16 ).
Bakit?
Ang Sinugo ay ang Salita, Karunungan, Kapangyarihan ng Diyos.
☆Salita ng Diyos (John 1:1-3)
☆Kapangyarihan at karunungan ng Diyos (1Cor 1:24)
☆Larawan ng di nakikitang Diyos (Col 1:15)
Kung aalisin mo ang Salita, Karunungan, at Kapangyarihan ng Diyos na ang Panginoong Jesus lalabas na mas makapangyarihan pa ang Panginoong Jesus kaysa sa Ama, kaya nga ipinauna na ni Jesus na Siya at ang Ama ay Iisa (John 10:30).
Kaya nga ang Sugo na nagmula sa Nagsugo ay iisa lang ang Divine nature at essence of deity ng Nagsugo at Isinugo. (Fil 2:5-7; Col 2:9; Tito 2:13; Roma 9:5; John 17:10; 14:7 &10; 16:15; 10:30; 1Pedro 1:20; Heb 1:8; 1Tim 3:16 ).
Sa mismong talata na ginamit din nila (John 17:3) mababasa din natin sa sumusunod na talata na hindi siya tao lamang o mababa sa pagka-Diyos sa Ama.
Juan 17:5 At ngayon, luwalhatiin mo ako, Ama, at ibigay sa akin na katabi mo BAGO PA MAN MAGKAROON NG MUNDO.
♡PAKATANDAAN taglay na ng Panginoong Jesus ang LUWALHATI bago pa man magkaroon ng mundo.
Nangangahulugan na kasama na siya ng Diyos Ama bago pa man likhain ng Ama ang mundo. Wala pang tao sa sitwasyong ito.Isa rin ito sa patunay na may dalawang kalikasan ang Panginoong Jesus ang luwalhati ng pagka-Diyos at ang pagiging Tutuong Tao.♡
Taglay ang luwalhati ng pagka-Diyos at pagiging Tutuong Tao.
God bless us always