
Ang Kapatid na Alexander Alegre ng Laguna, nagpapasalamat sa Dios sa pagbabalik Katoliko mula sa culto ni Eli Soriano.
hello Father Abe.. gusto ko lng po ishare ito: Masarap sa pakiramdam, kapag isa sa mga kaibigan, dating kakilala, kapuso, kamag-anak o kapamilya ang natutulungan natin muling magbalik-Katoliko.. masaya kc naging bahagi tayo na muling masumpungan nila ang katotohanan sa tunay na Iglesya.. smile emoticon
narito po isang PM saken ng dating nagtuturo saken noong panahong nag OJT aq sa kanilang pinapasukan.. Sya ay mula sa Ang dating Daan.. na ngayon ay muli po nagbabalik Katoliko po.. Share ko lng po ito..
ito po ay PM nya last Month pa (July 4th, 2015) na ngyon ko lng po napansin.. hehe
“Musta irish nakita ko pic mo sa splendor of church nagmeeting pla kyo
Marami ako sasabihin sayo regarding our faith”
tapos knina pagkabasa ko po tinanong ko sya kung:
ME: musta?.. Catholic ka din ba?
Alex: Opo San kn ngayon
ME: d2 Manila.. Y? ano mga sasabihin mo about sa faith?
Alex: Akala ko nsa bicol ka.. Cfd ka pla ah
ME: oo.. ikaw?
Alex: Hindi pa eh Wala pa akong group
ME: sama ka minsan.. madami kang matutunan at mas mapapalalim pa lalo yung faith mo bilang Katoliko..
Alex: Oo kso andito ako sa riyadh ngayon Nung nsa aristo ako napasama ako sa grupo ni eli soriano Tapos may nkita ako post mo regarding sa Splendor of Church
ME: hahaha ano nkita mo? eh dami sablay ni Eli.. dami na talo sa debate un mga myembro nya.. wla na gaano mailatag na tamang talata..
Alex: Nung napanood ko yung bro alfie angeles ba yun yung magiging pari na ngayon parang nabuksan yung kaisipan ko Dapat pla sinuri ko muna ang pananampalatayang katoliko bago ang lahat
ME: ah ok dati syang INC.. ngayon kasamahan na nmin..tama pag makabalik ka d2 pilipinas sama ka sa meetings nmin (mga Cfds).. and i am happy for you na muli mo nasumpungan ang katotohanan..
Alex: Si kuya adviser cfd ang gaganda ng mga paksa nya
Masyado akong nabrainwash Tapos nung bumisita si pope francis nung nakaraan may nagsabing ito daw ang tamang panahon to renew your faith kya parang tinamaan ako nun
tama rin si atty marwill dapat hindi tayo masabihang catholikong walang alam
Napapanoud ko lng mga videos nya sa youtube
Hindi pa rin alam ni mrs na magbabalik katoliko na ako
Problema ko yung isang kapatid ko yung sumunod sa akin yung ang add p rin
ME: yaan mo ipagdadasal ko na maliwanagan din yun.. (ikaw) nagpabinyag ka ba sa add?
Alex: Oo nung oct 9 2009 Sa apalit mismo
ME: itanong ko po kung paano o ano gagawin.. sa ganyang case, kay Father Abe po..
Alex: Ok salamat
MESSAGE TO FR. ABE:
-
Alexander Alegre
Oct 09,2009 po ako nabautismuhan sa ADD mr jimmy custorio yung naglubog sa akin 12:01 ng tanghali dun mismo sa apalit convention. Ilan lang po sa pamilya ko ang nakakaalam niyon na naging ADD ako ng nakalipas na panahon
Yung sa pagpost po ng conversion cge. Gge po
Sa totoo lang po father nung umuwi ako last feb 2013 nagpakasal ako sa catholic church sa pampanga at nabigyan agad ng anak na lalaki salamat sa Diyos,inisip ko kpg lumaki siya san siya sa akin o sa mama nya kasi catholic nga po siya para bang magkakahiwalay kmi,kya nung nakita ko ang site ng Splendour of Church dun ko lng napagtanto na mahalaga ang pagkakabuklod ng pamilya,at ang pagdating rin ng Papa malaking bagay din po yun
Salamat nga po ng marami sa Panginoon at hindi nya ako pinabayaan
Salamat nga po sa teknolohiya at nabuksan ang isip ko, lalo na po yung interview ni Brother Alfie para yung yun tip of the iceberg kumbaga, marami p pla akong hindi pa nalalaman higit sa inaakala ko
Nakakapanoud po ako ng mga replay sa you tube ng Know the Truth. Pati po yung mga Bible study ni Atty Marwill gusto ko kasi ipagtanggol ang pananampalatayang kinalakhan ko.