Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

BAHO NG IGLESIA NI CRISTO NEWGEN OR THE SPECIAL TASK FORCE [STF] BINUYANGYANG!!!

$
0
0
Ka Eduardo Manalo surrounded by his faithful Special Task Force

Ka Eduardo Manalo surrounded by his faithful Special Task Force

Sino ang STF o ang Special Task Force?

Ang STF po ay ang tinatawag na New Gens noon. Sila po ay gumawa noon ng website sa panahon ng Ka Erdy at kanilang binatikos ang pamamaraan ng pamamahala ng Ka Erdy noong 2004. Dumating po ang panahon na ang iba sa miyembro ng STF ay nagmanggagawa. Pagdating po nila sa pilipinas ay binuo sila at naging STF o Special Task Force sa ilalim ng tanggapan ng Ka Eduardo. Ginamit sila ng Ka Eduardo sa mga IT projects, paglikha ng mga music videos, sa photography at iba pa. Sila po ay mga kaibigan ng anak ng Ka Eduardo na si Ka Angelo. Ang isa po sa mga lider nila ay si Jojo De Guzman na ngayon ay manugang ng Ka Eduardo. Habang nasa STF siya noon ay naging katipan siya ni Ka Gemma, pangalawang anak na babae ni Ka Eduardo.

May isang pagkakataon po na may matandang ministro at dating Tagapangasiwa ang nag ulat sa Ka Erdy dahil sa pambabastos sa kaniya ng isang phil-am na manggagawang reserba niya sa pagsamba. Pinaimbestigahan po ito ng Ka Erdy at nalaman na siya ay miyembro ng STF. Hindi po alam ng Ka Erdy na mayroong gayong grupo sa loob ng Iglesia at binibigyan ng tulong ng Iglesia. Ayaw po ng Ka Erdy sa simula pa lamang na mayroong tinatawag na “special” sa loob ng iglesia sapagkat pagmumulan ito ng tila hindi pantay na pagtingin o pagtrato. Kaagad po na nagpaimbestiga ang Ka Erdy. Pinuntahan ng mga ministrong inutusan ang mga dormitories ng mga STF (kasama po sa mga nag imbestiga si Ka Jun Samson at Ka Edgar Samson) at siniyasat ang kanilang mga kagamitan. Doon po natuklasan sa kanilang mga lockers ang mga malalaswang babasahin, x rated films, mga sigarilyo at alak. Kaagad pinauwi ng Ka Erdy ang mga ito at ang iba ay itiniwalag kasama si Jojo De Guzman. Sa isinagawa pa kasing imbestigasyon sa kanila ay natuklasang sila ang nasa likod ng mga pagbatikos sa Pamamahala ng Ka Erdy. Ngunit sa halip na pauwiin sa ibang bansa si Jojo De Guzman, ito po ay itinago ni Ka Babylyn Manalo sa Mindoro. Inutusan niya si Ka Jerome Araos, Pangulong Diakono noon ng Gracepark na ngayon ay kabarkada ng Sanggunian at ng mga tiwaling mga ministro. Sa kanilang paglalakbay patungong Mindoro ay naaksidente sila ka Jerome at nag 50/50 sa ospital si Jojo De Guzman.

Ginamit din ng STF ang kanilang impluwensiya sa pamilya ng Ka Eduardo upang magbalik ng mga ministrong dinisiplina ng Ka Erdy at magparusa at mag disiplina ng mga ministro nang hindi nalalaman ng Ka Erdy. Sila rin ang nasa likod ng pagbabantay at mga pag-uulat noon sa lahat ng mga ministro sa buong mundo ukol sa ibat ibang bagay na hindi nila magustuhan. Nagalit ang Kapatid na Erano G. Manalo. Ayon sa kanila “itinatag ko ang paaralan ng iglesia ng pagkaministro sa udyok at patnubay ng espiritu santo upang makahubog ng mga tunay na ministro ng Diyos ngunit sinalaula ng mga taong ito ang paaralan”.

Sa pagpatuloy ng mga imbestigasyon ay nalaman ng Pamamahala na ang nagtatag ng STF ay ang asawa ng Ka Eduardo, si Ka Babylyn Manalo. Dahil po dito ay kaagad siyang pinatawagan ng Ka Erdy sa pamamagitan ng Ka Tenny Manalo at ipinasabing huwag niyang pakikialaman o panghihimasukan ang pamamahala o pangangasiwa sa Iglesia. Ipinasabi sa kaniya na huwag niyang pakikialaman ang kaniyang asawa sa pamamahala sa Iglesia. Binalaan siya nakapag hindi siya tumigil ay manganganib ang karapatan ng kaniyang asawa at ang Iglesia. Sinabi sa kaniya ng Ka Erdy na kapag ipinagpatuloy niya ang kaniyang mga ginagawa ay baka bumaba sa kaniya ang espiritu ni Jezebel.

Ang pagkakabuwag sa STF, ang pagkakatiwalag kay Jojo De Guzman, ang pagkakahiwalay nito sa kaniyang anak na si Gemma at ang mga salitang tinanggap niya mula sa Ka Tenny na inutusan ng Ka Erdy ay labis po niyang ipinagdamdam. Dito ay nagtanim siya ng sama ng loob sa pamilya ng Kapatid na Erano G. Manalo.

Bago nagpahinga ang Kapatid na Erano G. Manalo ay ibinilin niyang mahigpit sa kapatid na Eduardo na huwag papayagang maging kapamilya si Jojo De Guzman at ibabalik ang STF dahil gagamitin sila ni Satanas para pilit na italikod ang Iglesia. Sinabi rin ng Ka Erdy na hindi bale na mayroong mahal sa buhay ang umiiyak huwag lamang mapahamak ang iglesia.

Kelly Ong


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles