Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

ANO NGA BA ITONG RAPTURE NA PINANINIWALAAN NG MGA BORN AGAIN? By Nestor Lim

$
0
0
The DELUSIONAL doctrine of RAPTURE by the Born-Again Cults

The DELUSIONAL doctrine of RAPTURE by the Born-Again Cults

 

ANO NGA BA ITONG RAPTURE NA PINANINIWALAAN NG MGA BORN AGAIN?

ANG “Rapture” PO AYON SA PANINIWALA NG MGA SEKTANG SULPOT NA TINAWAG NA BORN-AGAIN CHRISTIANS /EVANGELICALS,

….AY ANG PAGDATING NG PANGINOONG JESUS UPANG AGAWIN O KUNIN ANG MGA TAONG TUNAY NA NANINIWALA SA KANYA (true believers) AT LITERAL NA SASALUBUNGIN SIYA SA ALAPAAP O SA HANGIN AT KASAMA NIYA SILANG IAAKYAT SA LANGIT.

AT ANG MGA MAIIWAN DAW PO SA LUPA AY MAKAKARANAS MUNA NG “Great Tribulation” O MATINDING PAGHIHIRAP MUNA BAGO ULI HARAPIN NI CRISTO. smile emoticon

NAKU PO… LUMALABAS NA DALAWANG BESES PA PALA BABALIK SI CRISTO HE HE smile emoticon

TINATAYANG LUMABAS PO ANG KATURUANG ITO NG MGA PROTESTANT/EVANGELICALS NOONG MGA
TAONG 1850 NA INI “IMBENTO” NG TAONG NAGNGANGALANG SI “John Darby”.
ITONG SI JOHN DARBY PO ANG LUMIKHA NG THEORYA NA ITO NA SIYANG SINUSUNOD AT PINANINIWALAAN MAGPASAHANGGANG NGAYON NITONG MGA BORN AGAIN O EVANGELICAL BELIEVERS.

ANG TEORYA NI JOHN DARBY AY NAHAHATI SA 3 ANG RAPTURE:

1 Pre Tribulation—> pag-agaw sa mga tunay na mananampalataya at sasalubungin si Cristo sa hangin/alapaap.

2 Mid Tribulation—> Ang matitira pa umanong mga tao at ang Iglesia ay paghaharian ng Anti-Cristo.

3 Post Tribulation—> Armageddon/End of the world.

ANG DALAWANG NAUNA (1 and 2)
PO NG MGA TEORYA NA ITO AY HINDI BIBLICAL, AT SARILING PANG-UNAWA AT INTERPRETASYON PO LAMANG NI JOHN DARBY MULA SA “CHERRY PICKING” OF VERSES NIYA MULA SA MGA PROPHECY BOOK SA OLD TESTAMENT AT NEW TESTAMENT.
YUNG IKATLO… NA NAGPAPAHIWATIG NG END OF THE WORLD… YUN PO ANG HALOS KATULAD NG PANINIWALA NATING MGA KATOLIKO SA MULING PAGPARITO NI CRISTO.

ANG PROBLEMA PO, #1 and #2 NG TEORYA NI JOHN DARBY AY PALPAK. KAYA NAPAKARAMI PO NG MGA END TIMES PREDICTIONS AND PROPHECIES NITONG MGA BORN AGAIN OR EVANGELICALS NGUNIT KAHIT ISA AY WALANG TUMAMA. MAHILIG PO SILA DITO. MAG INTERPRET NG PALPAK. HE HE

PARA PO SUPORTAHAN ANG PANINIWALA NILANG ITO AY GINAMIT NILA ANG TALATA SA
1 Tesalonica 4:17

“Kung magkagayon, TAYONG NANGABUBUHAY, NA NANGATITIRA AY AAGAWING KASAMA NILA SA ALAPAAP, UPANG SALUBUNGIN ANG PANGINOON SA HANGIN: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man.”

DITO PO AYUN SA KANILA AY LITERAL NA SASALUBUNGIN SA ALAPAAP O SA HANGIN O SA ERE NG MGA MANANAMPALATAYA SI CRISTO. smile emoticon
TAMA BA ANG PANINIWALA NILANG ITO??

SAGOT:
MALI PO!
BAKIT??
SAPAGKAT BINASA LAMANG NILA ANG VERSE 17 NG 1 TESALONICA 4 AT INUUNAWA AGAD NG LITERAL smile emoticon
LITERAL INTERPRETATION. NA LULUTANG ANG MGA TAO SA HANGIN PARA SALUBUNGIN SI CRISTO. smile emoticon

NGAYON… ANO BA ANG TAMA?
ATIN PONG SIYASATIN ANG TALATA NA KANILANG GINAMIT…
NGUNIT BUBUUHIN NATING BASAHIN ANG MGA TALATA MULA SA
1 Tesalonica 4:13-18 AT UNAWAIN PO NATIN ANG MENSAHE AYON SA “KONTEKSTO” NITO.
NARITO PO….

1 Tesalonica 4:13-18
13 Nguni’t hindi namin ibig na kayo’y di makaalam, mga kapatid, TUNGKOL SA NANGAKATULOG; upang kayo’y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, na walang pagasa.

14 Sapagka’t KUNG TAYO’y NAGSISAMPALATAYANG SI JESUS AY NAMATAY AT NABUHAY NA MAG-ULI AY GAYON DIN NAMAN ANG MGA NANGAGKATULOG KAY JESUS AY DADALHIN NG DIYOS NA KASAMA NIYA.

15 Sapagka’t ito’y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na TAYONG NANGABUBUHAY, na NANGATITIRA HANGGANG SA PAGPARITO NG PANGINOON, ay HINDI TAYO MANGA-UUNA SA ANOMANG PARAAN SA NANGATUTULOG.

16 Sapagka’t ang PANGINOON DIN ANG BABABANG MULA SA LANGIT, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ANG NANGAMATAY KAY CRISTO AY UNANG MANGANGABUHAY NA MAG-ULI;

17 Kung magkagayon, TAYONG NANGABUBUHAY, na NANGATITIRA, ay AAGAWING KASAMA NILA SA ALAPAAP, upang SALUBUNGIN ANG PANGINOON SA HANGIN: at sa ganito’y SASA PANGINOON TAYO MAGPAKAILANMAN.

18 Kaya’t mangagaliwan kayo sa isa’t isa ng mga salitang ito.

AYAN PO… KAPAG BINASA MO NG BUO.. AT UNAWAIN ANG KONTEKSTO NG MENSAHE NG MGA TALATA AY MAKIKITA NATIN NA ITO AY ANG PANAHON NG FINAL JUDGEMENT AT KATAPUSAN NG SANLIBUTAN. ANG HULING PAGHUHUKOM KUNG SAAN BABANGON ANG MGA PATAY AT SABAY SABAY NA AAKYAT SA LANGIT ANG MGA TUNAY NA MANANAMPALATAYA NI CRISTO NA SIYANG MANGALILIGTAS.

DITO PO SA SULAT NA ITO NI SAN PABLO SA MGA TAGA TESALONICA AY ANG KANYANG PAGPAPALIWANAG AT PAGBIBIGAY ASSURANCE SA MGA MANANAMPALATAYA TUNGKOL SA MGA NAMATAY NA…NA SILA AY MULING BUBUHAYIN AT SABAY SABAY NA AAKYAT SA LANGIT ANG MGA MATUWID NA TAO KAY CRISTO.
SA IKALAWANG PAGDATING NI CRISTO, YAONG MGA PATAY NA AY MABUBUHAY ULI AT KASAMANG IAAKYAT SA MGA NABUBUHAY PA NA MALILIGTAS SA ARAW NG PAGHUHUKOM.

SA ARAW NG PAGHUHUKOM PO MABILIS NA MANGYAYARI ANG LAHAT. ISANG KISAPMATA LAMANG.
YUN PONG SALITA NA “aagawin sa alapaap” AY HINDI PO YAN LITERAL NA LULUTANG ANG TAO SA HANGIN AT DUN SALUBUNGIN SI CRISTO HANGGANG IAAKYAT SA LANGIT HE HE.
IYAN PO AY ISANG FIGURE OF SPEECH LAMANG. NA NAGPAPAHIWATIG SA BILIS NG PANGYAYARI NA MAGAGANAP SA ARAW NA IYAN NG PAGHUHUKOM.

1 Corinto 15:51-52
51 Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: HINDI TAYONG LAHAT AY MANGANGATULOG, NGUNIT TAYONG LAHAT AY BABAGUHIN,

52 Sa ISANG SANDALI, sa ISANG KISAP-MATA, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang pakakak, at ANG MGA PATAY AY MANGABUBUHAY NA MAG-ULI na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin.

AYAN PO. MALINAW PO YAN. ISANG BESES LAMANG PO BABALIK AT BABA MULA SA LANGIT ANG PANGINOONG JESUS SA KANYANG SECOND COMING. SA ARAW NA YAON NG HULING PAGTUNOG NG MGA PAKAKAK AY MAGAGANAP ANG LAHAT SA ISANG KISAP-MATA LAMANG.

WALA NA PONG KUNG ANO ANO PANG FIRST, MID, O POST TRIBULATION NA PINANINIWALAAN NITONG MGA BORN AGAIN ANG MAGAGANAP PA.
BAGO PA PO DARATING ANG ARAW NG PAGHUHUKOM… IYANG TRIBULATION O MGA PAGHIHIRAP AY MARARANASAN NA NG SIMBAHAN AT NG LAHAT NG MGA BUHAY PA. AT WALA PONG EXEMPTED DIYAN…YAN PO ANG SINABI NI CRISTO NA MGA PAG-UUSIG…PERSECUTIONS…
PAGBANGON NG MGA BULAANG PROPETA NA LILINLANG NG MARAMI.
MGA KALAMIDAD. MGA DIGMAAN.
(Mateo 24)
YAN PO AY MARARANASAN NG LAHAT DITO SA MUNDONG IBABAW.

MANANAMPALATAYA KA MAN O HINDI, LAHAT PO DADANAS NG PAGHIHIRAP. WALANG MAUUNANG AAKYAT SA LANGIT, WALANG I RA-RAPTURE… AT WALANG MAIIWAN PA NA KUNG SINOMAN DITO SA LUPA PARA SA GREAT TRIBULATION.
SA ARAW NG 2ND COMING NG PANGINOON ANG KATAPUSAN NG MUNDO. LAHAT AY HUHUKUMAN.

KAYA NGA PO ANG PAALALA NI JESUS SA ATIN AY:
MAGHANDA PALAGI! SAPAGKAT SIYA AY DARATING NG TULAD NG ISANG MAGNANAKAW…

Lucas 12:39
“Datapuwa’t talastasin ninyo ito na kung nalalaman lamang ng puno ng sangbahayan kung anong oras darating ang MAGNANAKAW, siya’y magpupuyat, at hindi pababayaang sirain ang kaniyang bahay.”

Lucas 12:40
40 “Kayo rin naman ay MANGAGSIHANDA: SAPAGKAT SA ORAS NA HINDI NINYO INIISIP, ANG ANAK NG TAO AY DARATING.”

1 Mga Taga-Tesalonica 5:2
“sapagkat alam na ninyo na ang PAGDATING NG ARAW NG PANGINOON ay TULAD NG PAGDATING NG MAGNANAKAW SA GABI.”

***********

ITO PA PO ANG ISANG PASSAGE NG BIBLIA NA GINAMIT PARA SUPORTA SA RAPTURE BELIEF NG BORN AGAIN NA MAYROONG KUKUNIN AT MAYROONG MAIIWAN smile emoticon

Mateo 24:40-41
40 Kung magkagayo’y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa’y kukunin, at ang isa’y iiwan:

41 Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa’y kukunin, at ang isa’y iiwan.

ITO PO AY “LITERAL” DIN NILANG INUUNAWA. smile emoticon
NA MAY ISANG KUKUNIN UMANO AT MAY ISANG MAIIWAN.
MALI PO ANG PANG-UNAWANG LITERAL NG MGA BORN AGAIN TUNGKOL DITO. SAPAGKAT KONG ATIN PONG SUSURIING MABUTI ANG MGA TALATANG ITO AT UNAWAIN NATIN AYON SA “KONTEKSTO”… AY LALABAS NA ANG TINUTUKOY DITO NG PANGINOONG JESUS AY ANG PAGHIHIWALAY NG MGA “righteous” AT “hindi righteous”. IBIG SABIHIN… ANG MGA RIGHTEOUS O TAONG MATUWID KAY CRISTO AY MALILIGTAS AT MAPUPUNTA SA LANGIT. ANG MGA HINDI RIGHTEOUS NAMAN O HINDI MATUWID KAY CRISTO AY MAPUPUNTA SA LUGAR KUNG SAAN MAY PAGTANGIS AT PANGANGALIT NG MGA NGIPIN..
AT ITO AY TUMUTUKOY SA “IMPYERNO”.

NARITO PO ATING SURIIN ANG BUONG PAHAYAG NG BIBLIYA:

Mateo 24:36-51
36 Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.

37 At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.

38 Sapagka’t gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila’y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong,

39 At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila’y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.

40 Kung magkagayo’y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa’y kukunin, at ang isa’y iiwan:

41 Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa’y kukunin, at ang isa’y iiwan.

42 Mangagpuyat nga kayo: sapagka’t hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.

43 Datapuwa’t ito’y talastasin ninyo, na kung nalalaman ng puno ng sangbahayan kung anong panahon darating ang magnanakaw, ay siya’y magpupuyat, at hindi niya pababayaang tibagin ang kaniyang bahay.

44 Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.

45 Sino nga baga ang aliping tapat at matalino, na pinagkatiwalaan ng kaniyang panginoon sa kaniyang sangbahayan, upang sila’y bigyan ng pagkain sa kapanahunan?

46 Mapalad yaong aliping kung dumating ang kaniyang panginoon, ay maratnan siyang gayon ang kaniyang ginagawa.

47 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na sa kaniya’y ipagkakatiwala ang lahat niyang pag-aari.

48 Datapuwa’t kung ang masamang aliping yaon ay magsabi sa kaniyang puso, Magtatagal ang aking panginoon;

49 At magsimulang bugbugin ang kaniyang mga kapuwa alipin, at makipagkainan at makipaginuman sa mga lasing;

50 Darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya hinihintay, at oras na hindi niya nalalaman,

51 At siya’y babaakin, at isasama ang kaniyang bahagi sa mga mapagpaimbabaw: DOON NA NGA ANG PAGTANGIS NG MGA NGIPIN.

AYAN PO.. PANSININ PO NINYO.. HINIHALINTULAD PO NI JESUS ANG KANYANG MULING PAGBABALIK SA PANGYAYARI NOON KAY NOE, SA TALATA NG Mateo 24:37-39.

ANG NANGYARI PO NOON SA PANAHON NI NOE ANG BIGLANG PAGBUHOS NG ULAN NG PAGGUNAW NG MUNDO NA HINDI INASAHAN NG MGA TAO. NGUNIT SI NOE AT ANG KANYANG PAMILYA NA NAKAHANDA AY NAKASAKAY NA SA DAONG AT LIGTAS. ANG MGA TAONG NASA LABAS NG DAONG LAHAT NAMATAY. (Genesis 7)

GANUN DIN PO ANG MULING PAGDATING NG ATING PANGINOONG JESUS…
WALA PONG NAKAKAALAM KUNG KELAN ITO MAGAGANAP MALIBAN SA AMA…

Mateo 24:36
Nguni’t tungkol sa ARAW at ORAS NA YAON WALANG MAKAKAALAM, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang AMA LAMANG.

KITAMS? smile emoticon
WALANG NAKAKAALAM SA MULING PAGDATING NI JESUS NA SIYANG KATAPUSAN NG MUNDO.

PERO ANG MGA BORN AGAIN PO AY NAPAKARAMING PREDICTIONS TUNGKOL SA END OF THE WORLD. MAY NALALAMAN PA NGA SILANG BILANG NG MGA TAON UMANO NA MARANASAN ANG TRIBULATION smile emoticon smile emoticon
MAY NALALAMAN PA SILANG Pre Tribulation, Mid Tribulation at Post Tribulation Rapture NA MAGAGANAP UMANO smile emoticon
AT ANG MGA ITO AY GINAGAMIT PANG PANAKOT SA MGA TAO PARA UMANIB NA SA KANILANG SEKTA SA PANINIGURADONG… ONCE SAVED ALWAYS SAVED!
ISANG MALING PANINIWALA NG MGA EVANGELICALS.
*************

ANO BA ANG PANINIWALA NG SIMBAHANG KATOLIKO?

NAKASAAD PO SA ATING PROCLAIMATION OF FAITH SA BANAL NA MISA:
” Si Cristo ay namatay, si Cristo ay nabuhay, si Cristo ay babalik muli”

AT NAKASAAD PO SA ATING APOSTLE’S CREED:
“He (Jesus) will come to judge the living and the dead.
…. i believe in the RESURRECTION OF THE BODY.”
And life everlasting… Amen”

ANG SIMBAHANG KATOLIKO PO AY NANINIWALA NA SI CRISTO AY BABALIK UPANG HUKUMAN ANG MGA BUHAY AT MGA PATAY. IYAN PO ANG SECOND COMING OF CHRIST… THE FINAL JUDGEMENT…
THE END OF THE WORLD.
KUNG SAAN MABUBUHAY ANG MGA PATAY… RESURRECTION OF THE DEAD…
ITO PO MISMO ANG SIYANG MAGAGANAP SA NAKASAAD SA MGA TALATA NG
1 TESALONICA 4:13-17.

ITO PO ANG INAANTAY NATING “coming” OF CHRIST.
ANG “pagdating, pagparito or pagbabalik” NA MULI NI CRISTO.

1 Tesalonica 4:15
Sapagka’t ito’y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa PAGPARITO NG PANGINOON, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.

1 Tesalonica 2:19
Sapagka’t ano ang aming pagasa, o katuwaan, o putong, na ipinagmamapuri? Hindi baga kayo rin sa harapan ng ating Panginoong Jesucristo sa KANIYANG PAGPARITO?

Mateo 24:27
Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang PAGPARITO NG ANAK ng tao.

1 Corinto 15:22-23
22 Sapagka’t kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.
23 Datapuwa’t ang bawa’t isa’y sa kaniyang sariling katayuan; si Cristo ang pangunahing bunga; pagkatapos ay ang mga kay Cristo, sa KANIYANG PAGPARITO.

AYAN PO. ISANG BESES LAMANG ANG PAGPARITO (coming) ULI NG ATING PANGINOONG JESUS.
SA PAGPARITO NIYANG IYUN AY ANG PAGHUHUKOM AT KATAPUSAN NA NG MUNDONG ITO.

KAYA PO, WALANG KATOTOHANAN IYANG PANINIWALA NA RAPTURE NG MGA BORN AGAIN.
WALA PONG RAPTURE NA MAGAGANAP.
ISA LAMANG PO ANG MAGAGANAP SA MULING PAGPARITO NI CRISTO… ANG PAGBANGON NG MGA PATAY AT PAGHUHUKOM NG LAHAT.. NG MGA BUHAY PA AT MGA PATAY. AT KATAPUSAN NA NG BUONG MUNDO.
MALINAW PO IYAN SA BIBLIYA.

Gawa 1:9-11
9 “At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya’y tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siya’y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin.
10 At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya’y lumalayo, narito may dalawang lalaking nangakatayo sa tabi nila na may puting damit;
11 Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong SI JESUS, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay PAPARITONG GAYA RIN NG INYONG NAKITANG PAGPAROON NIYA SA LANGIT.”

SA PAGPARITONG MULI NG ATING PANGINOON… IISA LAMANG ANG SADYA NIYA…ANG PAGHUHUKOM NG LAHAT.
KAYA KAPAG LAHAT NA AY HUHUKUMAN… KATAPUSAN NA NG MUNDO.
KAPAG KATAPUSAN NA NG MUNDO.. WALA NA PONG MAIIWANG TAO PA NA HAHARAP SA SINASABING TRIBULATION NG MGA BORN AGAIN. WALA NA. smile emoticon
KAYA PO WALA PONG RAPTURE NA MAGAGANAP… WALA!
**********

SUMMARY:

●HINDI TOTOO ANG RAPTURE.
AT WALANG MAGAGANAP NA RAPTURE.

●PAPARITONG MULI SI CRISTO NG ISANG BESES… HINDI DALAWA.

● SA PAGPARITO PONG MULI NI CRISTO DIRETSO SIYA DITO SA LUPA AT HINDI YUNG AANTAYIN PA NIYA SA ALAPAAP O SA HANGIN PARA DOON SA SIYA SALUBUNGIN NG MGA MANANAMPALATAYA NIYA. TITIPUNIN SA HARAP NIYA ANG LAHAT NG MGA BANSA PARA HUKUMAN.

● SA PAGPARITONG MULI NI CRISTO SIYA AY HUHUKOM SA MGA BUHAY AT MGA PATAY. IHIHIWALAY ANG MGA TUPA AT MGA KAMBING
ANG MATUWID (Tupa) AY MAGKAKAROON NG BUHAY NA WALANG HANGGAN (eternal life).
ANG HINDI MATUWID (Kambing) AY MAPUPUNTA SA IMPYERNO AT MAGKAKAROON NG PAGHIHIRAP NA WALANG HANGGAN.
(eternal damnation)

Mateo 25:31-46
31 Datapuwa’t PAGPARITO NG ANAK NG TAO NA NASA KANIYANG KALUWALHATIAN, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo’y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian:

32 At TITIPUNIN SA HARAP NIYA ANG LAHAT NG MGA BANSA: at sila’y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng PAGBUBUKOD NG PASTOR SA MGA TUPA AT SA MGA KAMBING;

33 At ILALAGAY NIYA ANG MGA TUPA SA KANIYANG KANAN, datapuwa’t SA KALIWA ANG MGA KAMBING.

34 Kung magkagayo’y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan:

35 Sapagka’t ako’y nagutom, at ako’y inyong pinakain; ako’y nauhaw, at ako’y inyong pinainom; ako’y naging taga ibang bayan, at inyo akong pinatuloy;

36 Naging hubad, at inyo akong pinaramtan; ako’y nagkasakit, at inyo akong dinalaw; ako’y nabilanggo, at inyo akong pinaroonan.

37 Kung magkagayo’y sasagutin siya ng mga matuwid, na mangagsasabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, at pinakain ka namin? o nauuhaw, at pinainom ka?

38 At kailan ka naming nakitang isang taga ibang bayan, at pinatuloy ka? o hubad, at pinaramtan ka?

39 At kailan ka namin nakitang may-sakit, o nasa bilangguan, at dinalaw ka namin?

40 At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa.

41 Kung magkagayo’y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel:

42 Sapagka’t ako’y nagutom, at hindi ninyo ako pinakain; ako’y nauhaw, at hindi ninyo ako pinainom;

43 Ako’y naging isang taga ibang bayan, at hindi ninyo ako pinatuloy; hubad, at hindi ninyo ako pinaramtan; maysakit at nasa bilangguan, at hindi ako dinalaw.

44 Kung magkagayo’y sila nama’y magsisisagot, na magsisipagsabi, Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom, o nauuhaw, o isang taga ibang bayan, o hubad, o may-sakit, o nasa bilangguan, at hindi ka namin pinaglingkuran?

45 Kung magkagayo’y sila’y sasagutin niya, na sasabihin, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na yamang hindi ninyo ginawa sa maliliit na ito, ay hindi ninyo ginawa sa akin.

46 At ang mga ito’y MANGAGAPAROON SA WALANG HANGGANG KAPARUSAHAN: datapuwa’t ANG MGA MATUWID AY SA WALANG HANGGANG BUHAY.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles