[Charlotte Baron
0F C0URZE WE THE B0RN AGAIN HAVE DIFFERENT INTERPRETATI0N AB0UT THE BIBLE,BUT WHERE SERVING 0NLY 0NE GOD.KAMU GANE D M0 M02U UG BIBLE,D MAN MU MAGAMIT EG SIMVAH.URE W0RST.]
Ito po ay TAHASANG pag-amin mismo ng isang Born Again na MAY KANYA-KANYA po pala silang INTERPRETATION ng Biblia.
2 Pedro 1:20, Higit sa lahat, TANDAAN ninyo na walang makapagpapaliwanag ng alinmang hula sa Kasulatan sa bisa ng kanyang sariling kakayahan.
Kaya sa mga Born Again, TANDAAN po ninyo ang sabi ni San Pedro.
Tapos magbibigay pa ng MALING katwiran. Gaya ng kanyang sabi: “We’re serving one God”.
Santiago 2:19, Sumasampalataya ka sa iisang Diyos, hindi ba? Mabuti iyan! Ang mga DEMONYO man ay sumasampalataya rin- at nangangatal pa.
Yan, PAKITANDAANG maagi po mga Born Again ang sabi ni St. James. Kayo kaya ang DEMONYONG tinutukoy nya na SUMASAMPALATAYA rin?
Yung huli mo pong sinabi ay HINDI ko maunawaan. Local dialect mo po ata yan. Sana nagsalita ka gamit ang ating Pambansang wika. O kaya sa wikang Ingles, ang universal language. Para magkaunawaan ang LAHAT.
1 Cor. 14:10-11, Maraming iba’t ibang wika sa daigdig, at bawat isa’y may kahulugan, ngunit kung hindi ako marunong ng wikang ginagamit ng aking kausap, HINDI kami magkakaintindihan.
Muli po, sa mga Born Again ay TANDAAN ang sabi ni San Pablo. Huwag po kayo gagamit ng wika na HINDI alam ng inyong kausap kasi HINDI magkakaintindihan. Malay po ba natin, baka MINUMURA na pala tayo pero nakangiti pa rin tayo.
Malinaw po na HINDI sang-ayon ang mga Apostol sa MALING katwiran ng Born Again na ito. Lahat po ng kanyang sinabi ay SINUPALPAL ng mga Apostol. Magandang pakinggan ang mga sinabi nya ngunit LABAG po pala ito sa Biblia.
Pro Deo Et Ecclesia