Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

PAGLILINAW TUNGKOL SA BAHAGHARI by: Lawrence Carlo Luna

$
0
0

Tanong: Sa Facebook at iba pang social networking sites, ginagamit ng mga promoter ng same-sex marriage ang bahaghari bilang simbolo ng kanilang adhikain na ipagtibay ang same-sex marriage kasi naniniwala sila na pwedeng ikasal ang magkaparehong kasarian dahil ang pag-ibig ay pantay-pantay, walang pinipiling kasarian, at para sa lahat. Ang Tanong ay naaayon ba ito sa banal na kasulatan?

HINDI KASI ANG BAHAGHARI AY MULA SA DIYOS AT HINDI SA MGA PROMOTER NG SAME-SEX MARRIAGE. ANG BAHAGHARI AY TANDA ITO NG DIYOS NG KANYANG PAKIKIPAGTIPAN SA LAHAT NG MGA NILALANG AT HINDI NIYA NA LILIPULIN SA BAHA ANG LAHAT NG MAY BUHAY. HETO ANG EBIDENSYA:

GENESIS 9:13-16

“Ang aking BAHAGHARI ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa. At mangyayari, pagka ako’y magbababa ng isang alapaap sa ibabaw ng lupa, na makikita ang bahaghari sa alapaap. At aalalahanin ko ang aking tipan, na inilagda ko sa akin at sa inyo, at sa bawa’t kinapal na may buhay sa lahat ng laman; at ang tubig ay hindi na magiging bahang lilipol ng lahat ng laman. At ang bahaghari ay pasa sa alapaap, at aking mamasdan, upang aking maalaala, ang walang hanggang tipan ng Dios at ng bawa’t kinapal na may buhay sa lahat ng lamang nasa ibabaw ng lupa.”

Photo credits: https://www.bibalex.org/psc/en/home/sciplanetdetails.aspx?id=147

Photo credits: https://www.bibalex.org/psc/en/home/sciplanetdetails.aspx?id=147

IYAN ANG TUNAY NA PAGLILINAW TUNGKOL SA BAHAGHARI AT HINDI YUNG PAGPAPAKAHULUGAN NG BAHAGHARI SA SAME-SEX MARRIAGE KASI HINDI PWEDENG MAGAMIT ANG BAHAGHARI BILANG SIMBOLO SA SAME-SEX MARRIAGE SAPAGKAT HINDI MAAARING MAGSAMA ANG MABUTI AT MASAMA. HETO:

2 KOR 6:14-17

“Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka’t anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman? At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya?

At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? sapagka’t tayo’y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako’y magiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan.

Kaya nga, Magsialis kayo sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon, At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, At kayo’y aking tatanggapin.”

ALAM NAMAN NATIN NA ANG BAHAGHARI AY MULA SA DIYOS AT ITO’Y MABUTI HABANG ANG SAME-SEX MARRIAGE AY MASAMA (ROMA 1:26-29, GALACIA 5:19-21, LEVITICO 18:22-23).

ANG MGA PROMOTER NG SAME-SEX MARRIAGE AT ANG LAHAT NG SUMUSUNOD NITO AY NAGKASALA SA PAGGAMIT NG BAHAGHARI BILANG SIMBOLO NG KANILANG ADHIKAIN DAHIL KAHIT ALAM NA NILA ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG BAHAGHARI, GINAGAMIT PA RIN NILA ITO SA MASAMANG PARAAN AT DI GINAWA ANG TAMA. HETO ANG SABI:

SANTIAGO 4:17

“Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito’y kasalanan sa kaniya.”


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Latest Images

Trending Articles



Latest Images