
KNOW THE TRUTH TAPING IN DAVAO CITY: from Left – CPA Simon Jake Beringuela, Accountant Michael Vincent Suico CFD Manila President, Dr. Rey Entila of De la Salle University Bacolod, Fr. Abe Arganiosa, Atty. Marwil Llasos, CPA Edwin Edborda CFD Quezon City Auditor and below Peter Garcia the producer
Magandang araw/gabi po sa inyo atty. Marwil at Father Abe!
Ako po Jed, 15 yrs old isa pong katoliko boung puso at kaluluwa, katoliko na po mula pa po noong akoy isilang. smile emoticon Isa po akong fan ng KTT, pinapanood ko po ito sa youtube every time na may tanong po ako. Ako po ay nag papasalamat dahil nag karoon po ng ganitong programa. Programang nagtuturo at sumasagot sa mga katanungan ng mga katoliko at ibang sekta. (mahaba haba po ito dahil ikwekwento ko p sa inyo kung bakit ko po nadiskobre ang programang KTT) Isa po akong sakristan sa aming parokya, mahilig makinig sa mga debate at sumagot sa mga katanungan.kung tutuusin po mula po bata ako ay balak ko ng mag pari. Dahil nga po ay mahilig ako sa debate, nanonood po ako ng “Itanong m kay soriano”. Dahil p doon may mga katanungang di ko po masagot. Siguro po dahil gusto kong makahanap ng sagot, nahanap ko po yung “Splendor of D church”. at napanood ko po yung “pastor noon katoliko ngayon”. Doon ko po nasimulang madiskobre ang KTT. Cguro po naramdaman ng banal na espiritu na medyo naguguluhan po ako sa mga tanong kaya pinakita niya po sa akin ang ktt. At nag papasalamat po ako sa Diyos dahil ginabayan niya po ako patungo sa programa ninyo, at sa inyo dahil kayo po ang naging silbing pampalakas ng aking loob. Kung tutuusin nga po dito ko nasagot ang tanong ng tito kong pastor na “bakit nag darasal sa patay”.
Dahil nga po natutulungan nio ako, ipinapangako ko po na tutulungan ko kayo na dumami ang likes at tagapanood. Kung pahihintulutan ninyo po sa mga susunod na araw kung maari po akong makapag tanong.
Maraming salamat po.
Sana po marami pa ang mahikayat ninyo at matulungan sa inyong programa upang intindihin ang aral ng Iglesia Katolika.
God bless po…