Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

GANITO KAMI SA CFD IN METRO MANILA By Peter Cosenillo

$
0
0
Peter Cosenillo with fellow CFD in Siena College

Peter Cosenillo with fellow CFD in Siena College

CFD Manila and Q.C. Members. Young, inspired and eager to defend the Church

CFD Manila and Q.C. Members. Young, inspired and eager to defend the Church; From left: CFD QC Secretary Bien Agabin, CFD Manila Finance Officer Kristoffer Torralba, Simon Jake Beringuela, CFD QC Auditor Edwin Eborda, CFD Manila Secretary Don Randale Llanaresas, Jack Saliba and CFD Manila President Michael Vincent Suico

“GANITO KAMI SA CFD ( Catholic Faith Defenders )”
By: Peter P. Cosenillo Cfd

May mga bagay na sadyang hindi mo inaakala,
Hindi mo inaasahan pero darating ng bigla,
Akala mo hindi mo gusto pero nais mo rin pala,
Yan ang surpresang hatid sa atin ni Bathala.

May apat na taon narin ata ang nakalilipas,
Nang ako ay mamulat at hindi na makaalpas,
Isang bagong sapalaran sa aki’y ipinaranas,
Pagtatanggol sa Iglesyang kailanma’y ‘di kukupas.

Sa dami ng tanong na kailangang masagot,
Pananalig ko noo’y lubhang naging masalimuot,
Ni hindi ko alam kung saan ako huhugot,
Sagot sa mga batikos at mga pandaraot.

Noong una ay mayroong pahiya-hiya pa,
Hindi mo alam kung saan ka magsisimula,
Hindi mo alam kung i-aadd mo na nga ba,
Mga bagong kaibigang sa facebook nakilala.

Lumipas ang panahon may konti ng kaalaman,
At habang tumatagal ay lalong nadaragdagan,
Kapagdaka’y lalo pang naging malaliman,
Pag-aaral sa pananampalatayang ating tinubuan.

Marami ‘ding naranasang sakit ng ulo,
Mga erehe kasi sadyang nakahihilo,
Paulit-ulit nalang makulit na argumento,
Panlaban daw sa ating mga anti-Kristo.

Subalit habang pinupukol ay ‘di natitinag,
Makapagyarihan kasi taglay naming kalasag,
Katotohanang hatid ni Kristong tagapagtatag,
Ng Kanyang Iglesiang kailanma’y ‘di mabubuwag.

Dumami ng dumami ang naging interesado,
Ang hiwaga ng Iglesya’y pag-aaralang totoo,
Kahit pa kung minsan ikaw ay sadyang kabado,
Pero ‘wag mag-alala Diyos ang S’yang kasangga mo.

At ngayon ito na nga ‘di na magpapaawat pa,
Malawakan na ang pag-aaral ng apolohetika,
Buwan-buwan kami’y nagkikita sa dako ng Siena,
Sa may kalyeng kung tawagin ay Sta. Catalina.

Mga baguhan at beterano ay sadyang pinagbuklod,
Sa harapan ng Poon sama-samang naglilingkod,
Napapawi ang lahat ng sakit ng ulo at likod,
At masasabi mong sulit ang lahat ng pagod.

CFD Q.C. at Manila ‘di na mapipigilan pa,
Patuloy sa paglawak patuloy na DUMADAGSA,
Kapit-kamay na lalaban ng may pagkakaisa,
DUMADAMI, DUMADAGUNDONG para sa Maylikha.

Hindi kami UURONG, SULONG lang ng SULONG,
Sabay-sabay aalpasan mga unos at daluyong,
Sisigaw ng malakas mula sa mahinang bulong,
Gamit ang ikinintal sa amin na mga dunong.

Simon 2

PRO DEO ET ECCLESIA!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles