Un po, lumaki ako sa Katolikong pamilya pero hindi ko po alam nang malalim ang pananampalatayang Katoliko. Namulat po ako sa bibliya nung time na may nakilala si tita na pastor. Then nagumpisa kami sa bible study hanggang sa nagkaroon na ng fellowship. Malaki ang naitulong sa akin kasi parang yun ‘yung time na nakakarinig at nakakabasa ako ng ng salita ng Diyos.
Madami po akong pinagdaan na problema noon. Darating po talaga tayo sa time na hahanapin natin Siya. High school graduate lang po ako noon at hindi makapagaral sa kolehiyo. Then salamat sa Diyos nakapasa po ako sa isang scholarship sa isang school sa Quiapo. Dun mas lalo po akong naging active sa pananampalataya na itinuturo ng mga born again (KKB-JIL).
Wala po talaga akong alam sa doktrina ng simbahang Katoliko. Nadala ko po un paniniwala nila hanggang sa nagkatrabaho ako. Paminsan umaattend pa ng service ng VCF. Humina po ‘yun nung nagkatrabaho na ako hanggang sa one time nakakwentuhan ko ang isang kaibigan nagngangalang Kris at nagkakwentuhan po kami sa mga ilang doktrina ng ating simbahan. Ang Mahal na Birheng Maria ang una namin napagusapan. Dun namulat ako na hindi sumasamba ang mga Katoliko sa Ina ng Diyos maging sa mga imahe at rebulto. Naging sarado ang isipan ko po noon dahil mga katuruan nila. Pakiramdam ko po si Maria na Ina ng ating Diyos ang nagbalik sa akin kaya ganoon na lang ang pagpapahalaga ko sa kanya ngayon. Kagaya na idinala niya ang Diyos sa atin. Hanggang sa dumating ang oras na buong puso ako bumalik at ngayo’y nagaaral bilang tagapagtanggol ng Katotohanan, ng Birheng Maria, at ng ating Inang Simbahan.
Grabe Tay, 26 years na ko nabubuhay sa mundo, ngayon ko lang nalaman itong mga ‘to.
Feeling ko po tlga, naiiwan ako. Kaya sinisikap ko po makapagaral. Mas natututo po ako, mas lalo akong napapamahal sa ating Simbahan. Mas lalo ko pong nalalaman ang tamang pagmamahal at pagsamba sa ating Diyos.
SALAMAT SA PANGINOON SA IYONG NAPAKA-SIMPLE SUBALIT NAPAKA GANDANG CONVERSION STORY BACK TO THE CATHOLIC CHURCH.
HINDI PA HULI ANG LAHAT FOR YOU TO GROW IN FAITH. 26 KA PALANG BATAMBATA KA PA. AKO NGA 45 NA FEELING KO AN DAMI KO PANG DAPAT MALAMAN SA INANG SIMBAHAN. THERE ARE SO MANY THINGS TO LEARN AND TO APPRECIATE. SI ST. AUGUSTINE NGA MAS LATER NA SIYA TINAWAG NI LORD SA CATHOLIC CHURCH YET HE BECAME ONE OF THE GREATEST SAINTS. KAYA CHEER UP AND BE STRONG.