Puntahan naman natin ang ukol sa mga doktrina maging sa mga ipinahayag ni G. SORIANO sa radyo at telebisyon:
UKOL SA SALITANG SUHAY AT SALIGAN
Di ba ang ipinarehistro ni G. Perez ay Suhay at ang kay G. SORIANO ay Saligan? Di ba inamin ni G. SORIANO na iba ang Suhay sa Saligan? Di malinaw na salungatan ang aral ng dalawa? Di ba kinamatayan ni G. Perez ang salitang Suhay? Di namatay siyang hindi tunay ang pangalan ng Iglesiang ipinangaral niya. Diumano, ayon kina G. SORIANO, Danilo Navales at Mel Magdaraog, hindi raw gaanong nakapag-aral si G. Perez, kaya Suhay ang naiparehistro. Di ba halos wala ring pinag-aralan ang mga apostol? Mali ba ang mga aral ng mga apostol? Di ba tamang lahat ang itinuro nila sapagkat may Espiritung pumatnubay sa kanila dahil sila ay mga sugo ng Diyos. Diumano, ayon kay G. SORIANO ay inutusan siya ni G. Perez na magsaliksik kung ano talaga ang tama, kung Suhay o Saligan dahil sa marami raw salin ang nagpapatotoo na Saligan ang tama. Maging sa wikang Griyego ay Saligan din ang katumbas sa Pilipino. Di nangangahulugang mali nga ang Suhay? Di mali ang Iglesia ni G. Perez at ni G. SORIANO mula 1936 at naging tama lamang noong magparehistro si G. SORIANO noong 1980?
Kung tama ang Saligan, di mali ang nasa himnario na ginawa at binalangkas mismo nina G. Nicolas Peres at G. Eliseo SORIANO? Ganito ang nilalaman ng nasa Himnario 1990, pahina 44, ika-2 estropa:
” Si Kristo ang buhay, Ilaw sa puso’y tanglaw, Nating lahat na tinawagan, Sa Iglesia ng Diyos na haligi at suhay na ating kaligtasan.” Di ba kaya lamang ipinarehistro ni G. SORIANO ang Saligan ay upang maiba sa ipinarehistro ni G. Perez dahil bawal sa batas na magparehistro ng isang samahang nakarehistro na.
UKOL SA MAY HINDI RAW ALAM ANG DIYOS
Isang ipinagmamalaking doktrina ni G. SORIANO na may hindi alam ang Diyos. Di hindi rin alam ng Diyos na may magrerebelde pa sa langit dahil mayroon Siyang hindi alam? Di hindi rin alam ng Diyos kung may mga lalaban pa sa Kaniya pagdating ng mga maliligtas sa bayang banal? Di ba napakahinang klase ng Diyos ni G. SORIANO, nagawang lalangin ang buong sansinukob at nakagawa ng mga kahanga-hangang gawa, yaon pala ay mayroong hindi alam?
Bakit naipatala ng Diyos sa Biblia na ang parurusahan ay singdami ng buhangin sa dagat kung mayroon siyang hindi alam? Bakit naipatala Niya ang lahat ng pangyayari sa darating kung mayroon Siyang hindi alam? Marahil, hindi alam ng Diyos ni G. SORIANO na magkakagulo rin ang relihiyong ipinarehistro niya at ni G. Perez at hindi rin alam ng Diyos na napakarami palang salungatan ang mga aral niya. Lahat ng tanong kay G. SORIANO ay nasasagot daw niya (kuno), pagkatapos ay ang Diyos na kinikilala niya ay may hindi alam. Nakapanghihilakbot na doktrina ito dahil may limitasyon ang kakayahan ng Diyos na kinikilala niya. Kayo matatanggap ba ninyo na ang kinikilala ninyong Diyos ay may hindi alam? Di ba ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat, pinakamarunong sa lahat at sumasa lahat?
UKOL SA IISANG SANTIAGONG APOSTOL
Halos manggalaiti si G. SORIANO sa paninindigang iisa raw ang Santiago na Apostol sa Biblia? Tinutuligsa niya ang mga kaanib sa Iglesia ni MANALO (Emph. m.)at sinabing kawawa raw ang mga kaanib nito dahil sa Iglesia ni Cristo raw, kahit patay na ay nakapagpapasiya pa. Ipinahintulot na naman ng Diyos sa napakalaking pagkakamali si G. SORIANO dahil 2 ang Santiagong Apostol sa Biblia. Kayo na ang bumasa sa Mateo 10:2-4 at mapatutunayan ninyo kung sino ang nagsasabi ng totoo at hindi.
UKOL SA Zacarias 13:7-9
Malinaw ding tinitindigan ni G. SORIANO na sila ang katuparan ng nasa Zacanulls 13:7-9. Kung sila ang katuparan nito, sino ang Pastor na sinaktan? Si Ginoong Perez ba? Sinaktan ba siya? Sino ang mga maliliit? Sino ang nahiwalay? Sino ang naiwan? Sino ang nangalat? Sino ang mamamatay? Ang katuparan ba nito ay ang samahan ni G. Perez? Ilang beses silang nabahagi? Ilang beses silang nahiwalay ? Bakit hanggang ngayon ay walang opisyal na pangalan? Di ba ang Pastor na sinaktan ay ang Panginoong Jesucristo at ang mga maliliit ay ang mga apostol?
UKOL SA KALAGAYAN NG PANGINOONG JESUCRISTO (AKING DAGDAG)
WALANG DISTINCTIONS DITO SI MAMA ELI…. ANG CRISTO NIYA AY MABABANG CRISTO AT HINDI KAPANTAY NG AMA….. ANG AMA DAW KASI AY MAS DAKILA KAYSA SA KAY CRISTO; ISANG MALING UNAWA… SAPAGKAT NUNG SINASABI IYON NI CRISTO AY HINDI SA PAGIGING PURE SPIRIT NA DIOS KUNDI SA PAGIGING INCARNATE NA DIOS…. KAYA DI HAMAK NA MAS MATAAS ANG KADAKILAAN NG NATURE O SUBSTANCE NG DIOS KESA SA SUBSTANCE NG TAO…. KAYA SINABI ITO NI CRISTO AY DAHIL NASA KATAWANG TAO SIYA NOON PERO KUNG ATING BABASAHIN ANG NA KAY CRISTO DIN NAMANG KAISIPAN AY GANITO ANG MABABASA: “Mangagkaroon kayo sa inyo ng pag-iisip, na ito’y na kay Cristo Jesus din naman: ……… at palibhasa’y nasumpungan sa anyong tao, siya’y nagpakababa sa kanyang sarili, na nagmasunurin….(FILIPOS 2:5, 8).” KITAM? NAGPAKABABA SIYA HINDI DAHIL SA MAS MABABA SIYA SA AMA KUNDI DAHIL NAGMASUNURIN SIYA SA KALOOBAN NG AMA AT NASUMPUNGAN SIYA NG ANYONG TAO….. KAYA NASAGOT NATIN ANG ISYU NA IYAN…. CO-EQUAL SILA NG AMA BY DIVINITY …… ITONG MAMA ELI HINDI NAG-ARAL NG CHRISTOLOGY KAYA BOPLAKS …
UKOL SA KATUPARAN NG DANIEL 12:4, 9-10
Malakas din ang loob ni G. SORIANO na sabihing siya ang katuparan ng pantas na binabanggit sa Daniel 12:4 at 9-10. Ang panahon daw ng paglitaw o pagbangon nito ay sa panahong malago na ang karunungan ng tao at ito raw ay noong 1980 nang iparehistro niya ang samahan niyang ‘Ang mga kaanib sa Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas, Incorporated’. Di para niyang sinabi na bobo ang bumangon noong 1936 na rito ay kaanib ang kinikilala niyang sugo maging ang mga magulang niya? Di ba rito ay naging kaanib din si G. SORIANO?
……WOW AH; IBIG SABIHIN ANG MGA CHURCH FATHERS MGA BOPOLS LIKE HIM? NO WAY… NI KALINGKINGAN WALA SIYA SA TALINO NILA…..(AKING DAGDAG)
UKOL SA ANTI-CRISTO (AKING DAGDAG)
“Anti-Kristo’y may tanda siyang inangkin, Anim na raan anim na put anim, Sa mitra ng papa ating bilanging, Vicarius Filii Dei sa wikang latin.”
……KASO ANG PROBLEMA NI MAMA ELI KUNG SAAN NIYA HAHAGILAPIN ANG TIARA NA MAY INSCRIPTION NA GANYAN…… SINUNGALING NGA NAMAN HA HA HA HA…..KOPYADERA NG DOCTRINA NI EGGWHITE…..ELLEN SORIANA NA BA SIYA? HAHA
UKOL SA MARANGYANG DAMIT
Ipinagbabawal ni G. SORIANO ang marangyang damit pero naka-amerikana siya noon sa pagtuturo. Di ba iba ang sinasabi niya sa kanyang ginagawa?
UKOL SA SASAKYAN
Tinutuligsa niya ang mga Mangangaral na may mga sasakyan dahil si Cristo raw at ang mga apostol ay sa asno sumasakay noon. Marahil, asno rin ang sinasakyan ni G. SORIANO mula Apalit patungong Maynila. Marahil tama ang sinasabi ni G. Navales na mayroong ngang hindi matinong tagapangaral.
UKOL SA ORDENASYON
Mayroon siyang iba’t-ibang paliwanag ukol dito. Diumano ay sa ulo raw papatungan ng kamay. May turo siya na hindi raw ito literal na kamay, di hindi rin literal ang ulo at hindi rin literal ang patong? Diumano mula ulo ay dadaus-dos sa balikat? Literal bang pagdaus-dos ito at literal din bang balikat? Di ba inamin niyang ang Isaias 9:6 ay ordenasyon? Inordenahan ba siya ni G. Perez? Literal bang kamay? Dumaus-dos ba sa balikat? Inordenahan ba ni G. SORIANO ang mga manggagawa niya? Kung walang ordenasyon sa samahan ninyo, di nangangahulugang walang ministro? Alam ba ninyo na may nakalagay sa By Laws ng samahan ninyo ang ganito:
Section 5: “That the council of Ministers is composed of all ordained minister, each one with a written appointment from the incumbent Presiding Minister.” May lagda ito ni G. SORIANO kasama ang 9 na iba pa.
UKOL SA PAGKAKATIWALAG KAY G. SORIANO
Boong giting na isinisigaw ni G. SORIANO na hindi raw siya itiniwalag sa grupo nina Bb. Gugulan kundi kusang tumiwalag. Nabanggit na naman sa inyo na napakasinungaling ni G. SORIANO. Katunayan, pakinggan ninyo ang nilalaman ng Circular bilang 6, Serye ng taong 1976 tungkol sa pagkakatiwalag niya:
“Sa lahat ng mga kapatid kay Kristo Hesus: Alinsunod sa Artikulo IV Seksion 1 ng patakarang batas ng Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus Haligi at Suhay ng Katotohanan, ang mga pamunuan at miembro sa Iglesia na dapat itiwalag ay yaong tinutukoy sa talatang 2 ng nabanggit na artikulo. Batay sa disiplinang nabanggit sa itaas, ang pangasiwaan ng INDKKHSK ay makatuwirang ipinaiiral ang pagpapatupad ng panuntunang ito at walang pasubaling itinitiwalag ang mga sumusunod: 1. Eliseo SORIANO (unang-una sa mga itiniwalag)Severina Jose, Noli Dacer, Manuel Bacosa Jr. at 13 iba pa. Ang pagtitiwalag na ito ay nagkakabisa ngayong ika-21 ng Pebrero 1976 pagkatapos na lagdaang ng Lupon ng mga patnugot at sinag-ayunan ng kapulungan ng mga manggagawa.” Nakalagda sa ibaba ang 19 na maytungkulin sa Iglesia sa pangunguna ni Bb. Levita Gugulan.
UKOL SA PAMAMAHALA NI BINIBINING GUGULAN
Tinutulan ni G. SORIANO ang pamamahala ni Bb. Gugulan sa pagsasabing hindi raw babae ang dapat mamahala sa Iglesia subalit nakalagda siya at si Ginoong Manuel Bacosa sa sinumpaang pahayag na si Bb. Gugulan ang mamamahala sa Iglesia.
May petsa itong Hunyo 15, 1975.
UKOL SA BIBLIA AT REPERENSIYA
Tinutuligsa rin ni G. SORIANO ang gumagamit ng reperensiya at maging ng iba’t ibang salin ng Biblia. Nakapagtatakang ngayon ay gumagamit na siya ng mga reperensiya at iba’t ibang salin ng Biblia. Ang katunayan, ang kahulugan ng ordenasyon ay sa reperensiya niya kinuha at ang salitang Saligan ay hindi niya kinuha sa ginagamit niyang katiwa-tiwalang salin kundi sa Bibliang isinalin ng Iglesia Katolika.
UKOL SA SALITANG ROMANO
Mali raw na tawaging Romano ang mga Pilipino dahil aplikable lamang ito sa mga taga-Roma. Di ba malinaw na kasinungalingan na naman ito dahil nakatala sa kanilang himnario na maging ang mga Pilipino ay puwedeng tawaging Romano. Ano ang katunayan? Ganito ang nasusulat sa Himnario 1990, pahina 95, unang estropa:
“Oh, mga Romanong aming kababayan, H’wag ninyong isipin kayo ay kaaway, Kundi bagkus kayo’y aming minamahal, Tayo’y magkabansa magkakaibigan.”
Pakitanong ninyo sa kanya kung sino ang mga Romanong aming kababayan? Haling at mangmang lamang ang magsasabing ang mga kababayang tinutukoy sa himnario ay mga taga-Roma.
UKOL SA SALITANG BUMANGON
Matibay din ang paninindigan ni G. SORIANO na ang samahan nila ay hindi bumangon kundi umugnay. Di mali na naman ang nasa himnario 1990, pahina 97, at 100 na mababangon ang dating bayan. Tunghayan ninyo ang nilalaman ng himnario, pahina 97:
“Ang Iglesia ng Dios lamang, Ang tanging katotohanan, Tinukoy na dating daan, Ang mga hindi kilala, Na mula sa ibang bayan, Ibabangon dating tunay, Sa malayong silangan, Dito ay hinuhulaan, Mababangon dating bayan, Ngayon ibinabandila, Naming inyong kababayan, Sa Pilipinas na bayan.”? Payo kay G. SORIANO, ang kabisahin mong mabuti ay hindi ang pasyon kundi ang himnario mo dahil marami sa mga aral mo ay nilalabanan ng himnariong ginagamit mo.
UKOL SA REHISTRO
Hindi raw dapat iparehistro ang Iglesia sapagkat nakatala na ito sa Biblia. Ang dapat raw iparehistro ay ang mga kaaninb. Di mali na naman si G. Perez ng iparehistro ang Iglesia at hindi ang mga kaanib? Di dapat ang ipinarehistro ni G. SORIANO noong 1993 ay: “Ang Mga Kaanib Sa Bayan Ng Katotohanan, Incorporated.”
UKOL SA DIYOS SA LANGIT AT SA DIYOS SA LUPA
[DIOS NA DIN PALA NG INC1914 ANG PANGINOONG HESUS AKALA KO TAO LANG SIYA SA INYO?]
Diumano ay ang Ama ang Diyos sa langit at si Cristo ang Diyos sa lupa. Di ngayong magkasama na sila sa langit ay wala ng Diyos sa lupa? Di ba malinaw na salungat ito sa nakasulat sa Efeso 4:4-6 at Deutronomio 4:39.(From Donskie Sphagetti)
UKOL SA MORAL
Ang tunay na tagapangaral ay dapat maging huwaran hindi lamang sa pagsasalita kundi maging sa pagkilos at sa paggawa. Pasado kaya si G. SORIANO sa pamantayang ito? Gaano karaming mayayamang kaanib ang inutangan niya kasama na si Mrs. Co ng Quezon City? Gaano karami ang mga utang niya sa mga bangko? Gaano karami ang kasalukuyang habla sa kaniya kasama na ang ukol sa DZME, maging ang habla sa kanya ng may-ari ng inuupahan ninyong sambahan sa De Jesus St. sa Roosevelt? Gaano karami ang mga kaaway niyang kapitbahay kasama na si Mrs. Dalmacia Gutierrez na kaaway niyang mortal? Tanungin ninyo si Gng. Gutierrez at ang tawag niya kay G. SORIANO ay puta, dalahira, malandi at walang pinag-aralan. Tama bang mamutawi sa bibig ng tunay na sugo ng Diyos na may Espiritu Santo ang mga salitang gago, sira ang ulo, tarantado, walanghiya, manloloko at iba pang mga uri ng mababang uri ng pangungusap na sinasalita lamang ng mga istambay sa kanto at mga walang pinag-aralan? Tagapangaral ba ng Diyos ang napakaraming kasong estafa? Magtanong kayo sa mga pulis sa Apalit at sasabihin sa inyong mga walang kuwentang tao lamang ang maniniwala kay SORIANO dahil alam nila ang lahat ng panloloko at panggagantsong ginawa niya. Inihabla ni G. SORIANO si Evangelist Wilde Almeda dahil tinawag siyang bakla ngunit hindi niya magawang maihabla si Gng. Lolita Hizon, may-ari ng Pampanga’s Best nang tawagin siyang bakla dahil may matibay na ebidensiya si Gng. Hizon tungkol sa pagiging bakla ni G. SORIANO. Tanungin rin ninyo si Ginoong Maning Manzanilla, mahigit na 10 taong nakasama ni G. SORIANO sa pangangaral sa radyo at telebisyon kung bakit umalis sa samahan ninyo ang ibang mga manggagawa at mga kapatiran? Ang sabi ni G. Manzanilla ay pana-panahon kung sumpungin si G. SORIANO. Tinalakay na rin ni Ginoong Manolo Favis sa DZBB na si G. SORIANO ay hindi tunay na lalake. Binanggit niya ito noong kainitan ang pag-aaway nila G. SORIANO. Sana bago magturo si G. SORIANO ng mataas na moral ay turuan muna niya ang kaniyang sarili. (Roma 2:20-24).
UKOL SA PAGPAPUTOL NG LEEG
Buong giting na isinigaw ni G. Almeda na magpapabaril siya kapag hindi nanalo si Speaker Joe de Venecia. Buong giting namang tinindigan ni G. SORIANO na magpapaputol siya ng leeg kapag mapatutunayang may isang maling aral na itinuturo niya? Di ba magkauri lamang si G. Almeda at si G. SORIANO dahil parehong sinungaling? At kung magpapaputol nang leeg si G. SORIANO, di ba mas maganda kung hindi na siya magdadamay? Siya na mismo ang pumutol sa kaniyang leeg kapag narinig niya ang tape na ito. Marahil kahit 50 leeg ay kulang dahil napakaraming maling doktrina ang itinuro ni G. SORIANO.