Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

ANG KATOTOHANAN TUNGKOL KAY GINOONG SORIANO AT SA KANIYANG “ANG DATING DAAN” Part 1 by Donskie Sphagetti

$
0
0

 

11039874_1404649423176187_8960345399030787325_n

ANG KATOTOHANAN TUNGKOL KAY GINOONG SORIANO AT SA KANIYANG “ANG DATING DAAN” . Cult!

Mga kaibigan namin lalo na sa mga kaanib ng Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas Incorporated, tinatawag ding “Ang Dating Daan”, napakalinis ng aming layunin para iparating at ipaalam sa inyo ang lathalaing ito na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa mga aral at turo ni Ginoong Eliseo SORIANO.

Kayo ang magpasiya kung dapat pa kayong manatili sa samahang ito pagkatapos ninyong marinig ang mga katotohanang ito. Subalit bago ang lahat ay nais muna naming malaman ninyo kung ano ang kasaysayan ng Iglesiang kinaaaniban ninyo sa ngayon.

Noong 1922 nagparehistro sina G. Teofilo Ora, itiniwalag sa Iglesia ni Cristo, ng isang samahan na tinawag na Iglesia Verdadera de Cristo. Subalit pagkalipas ng ilang buwan ay binago niya ang pangalan ng Iglesiang ipinarehistro niya. Tinawag niya ito na Iglesia ng Diyos kay Kristo Jesus. Dito naging kaanib si Ginoong Nicolas Perez, itiniwalag din sa Iglesia ni Cristo at siyang sugo na kinikilala ni G. SORIANO. Ang dahilan ng pagkatiwalag kay G. Perez sa Iglesia ni Cristo ay dahil sa kinunan niya ng litrato sa ilog ng Mabacao, Maragondon, Cavite ang mga inanyayahan niyang mag-picnic at pagkatapos ay ipinadala ito kay Ginoong Felix Manalo at sinabing ang mga nasa litrato ang mga pinabautismuhan niya. Samakatuwid, hindi gawa ng isang tunay na mangangaral ang ginawa ni G. Perez, kaya siya itiniwalag. Pansinin din na sa simula pa lamang ay dalawang beses nang nagpalit ng pangalan ang iglesiang ipinarehistro ni G. Ora na rito ay kaanib si G. Perez.

Noong namang 1931, nagkahiwalay si G. Perez at G. Ora dahil sa ang nais ni G. Perez ay siya ang mamahala sa Iglesia. Hindi pumayag si G. Ora. Sa pangyayaring ito, nangaral na naman ng panibagong Iglesia si G. Perez. Tinawag niya itong Iglesia ng Diyos kay Cristo Jesus Haligi at Suhay ng Katotohanan. Sa Iglesiang ito nabautismuhan ang mga magulang ni G. SORIANO noong 1934 ayon na rin sa pagtatapat ni G. SORIANO.

Noon namang 1936 ipinarehistro ni G. Perez ang Iglesiang ito na ipinangaral niya noong 1931. Ganito ang nakalagay sa rehistro noong 1936:

‘That the official name of this society will be called “The church of God in Christ Jesus The Pillar and Ground of the Truth; Iglesia de Dios En Cristo Jesus, Columna Y Apoyo dela Verdad: Iglesia ng Dios kay Kristo Jesus Haligi at Suhay ng Katotohanan. That the central office of this society shall be situated at 530 Natividad St. Pasay City’.

May lagda ito ni Ginoong Pedro SORIANO bilang General Secretary. Samakatuwid, mula 1931 hanggang 1936 ay kolorum ang relihiyong ipinangaral ni G. Perez. Naging opisyal lamang (daw) noong 1936. Samakatuwid, hindi na dapat baguhin ang pangalan ng Iglesiang ipinarehistro ni G. Perez dahil opisyal na raw ito.

Taong 1954 nang humiwalay naman ang grupo ni G. Avelino Santiago sa Iglesiang ipinarehistro ni G. Perez dahil nagturo si G. Perez na siya raw ang puno ng buhay at hindi ang Panginoong Jesucristo.

Noong 1973 lamang pinagtibay ni G. Perez na rito ay sang-ayon si G. SORIANO na si Cristo ay tunay na Diyos. Samakatuwid, mula noong 1931 ay walang malinaw na aral ang grupo ni G. Perez kung ano talaga ang kalagayan ni Cristo.

Taong 1975 na ng bawian ng buhay si G. Perez.

Si Bb. Levita Gugulan ang naging presiding minister dahil ito ang nasa by-laws. Sa simula ay sang-ayon si G. SORIANO na si Bb. Gugulan ang siyang mamahala sa Iglesia. Lumagda ng pagsang-ayon si G. SORIANO na ititiwalag ang sinumang lalaban sa pamamahala ni Bb. Gugulan. Limang manggagawa ang sinuspinde dahil sa paglaban sa pamamahala ni Bb. Gugulan. Isa si G. SORIANO na sumang-ayon na suspindihin ang limang manggagawa.

Noong 1976 ay isa sa mga naging board of director si G. SORIANO sa Iglesiang pinamamahalaan ni Bb. Gugulan. Sa taon ding ito siya itiniwalag kasama ang 13 kaanib dahil sa pagtutol sa pamamahala ni Bb. Gugulan.

Tinindigan ni G. SORIANO na hindi dapat mamahala ang babae sapagkat labag ito sa Biblia. Subalit halos 2 taon din ang lumipas na namahala si Bb. Gugulan sa kanila. Nangangahulugang sa loob ng 2 taong pamamahala ni Bb. Gugulan ay hindi sila sa Diyos sapagkat babae ang namamahala.

Diumano ay si G. SORIANO raw ang dapat mamahala sa Iglesia dahil siya ang bukod tanging ministro na sinanay maging sa debate upang humalili kay G. Perez. Kung siya ang dapat mamahala sa Iglesia pagkamatay ni G. Perez, bakit pumayag pa siya na si Bb. Gugulan ang mamahala sa loob ng 2 taon? Di ba dapat ay siya na agad ang namahala sa Iglesia? At nasaan ang napakatagal na niyang sinasabing katunayan na siya lamang ang ministrong pinagtiwalaan ni G. Perez na mamahala sa Iglesia?

Noong Marso 30, 1977, nagparehistro si G. SORIANO sa SEC sa pamamagitan ni G. Fermin Calma ng isang panibagong Iglesia. Ganito ang nakasulat sa Articles of Incorporation:

“That Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus Haligi at Saligan ng Katotohanan is a religious denomination, this church is an independent society and not affiliated or part of any other church. That the principal office of the church shall be located at Bacolor, Pampanga at Barangay Tinajero.” Huwag itong ikakaila ni G. SORIANO dahil ang relihiyong ito ang ipinangaral niya mula nang itiwalag siya sa samahan ni Bb. Gugulan. Pansining hindi na Suhay ang ipinarehistro kundi Saligan.

Taong 1978, kung hindi kami nagkakamali, nabahagi naman ang Iglesia ni G. SORIANO. Humiwalay sa kaniya ang grupo ni G. Filomeno Hizon.

Taong 1979, inamin ni G. Calma sa korte na iba ang salitang Suhay at Saligan. Ito raw ay magkaibang salita na may magkaibang kahulugan. Inamin din niya na 1922 pa nagsimula ang Iglesiang ipinangaral ni G. Perez. Sa paglilitis na ito ay saksi si G. SORIANO.

Noon namang 1980 ay nagparehistrong muli ng panibagong Iglesia si G. SORIANO:

 Ito ang samahang tinawag niya na Ang mga kaanib sa Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas, Incorporated. Ganito ang nakalagay sa Articles of Incorporation:

“That this religious society or organization shall be called ‘Ang mga kaanib sa Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas’. That the principal office of the corporation is to be established and located at Bagong Pag-asa Village, Apalit, Pampanga.”

Dito sa relihiyong ito kayo kaanib ngayon.

Mayo 4 1988 nang dumating ang pasiya ng SEC na palitan nina G. Calma at G. SORIANO ang Iglesiang ipinarehistro nila noong 1977. Ganito ang pasiya ng SEC:

“Wherefore, in view of all the foregoing, respondent Iglesia ng Dios kay Kristo Jesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan is hereby ordered to change its corporate name to another name not similar to any name already used by a corporation.”

May lagda ito ni James Abugan na siyang hearing officer noon. Batay sa record ng SEC ay hindi na naghabol ang grupo ni G. Calma at G. SORIANO sa pagkatalo nilang ito dahil nagparehistro naman si G. SORIANO ng Iglesian noong 1980. Marahil napatunayan nilang mali at hindi opisyal na pangalan ng Iglesia ang ipinarehistro nila, nina G. Calma noong 1977.

Noong 1993 lamang nalaman ng grupo nina G. Maximino Nieto, humalili kay Bb. Levita Gugulan na si G. SORIANO ay nagpa-rehistro ng panibagong Iglesia noong 1980:

Noon ding 1993 muling nagparehistro ng panibagong samahan si G. SORIANOTinawag niya itong Bayan ng Katotohanan Incorporated. Si G. SORIANO ang presiding minister.Ganito ang nakasulat sa Articles of Incorporation:

“That we, the undersigned, all of legal age, have this day voluntarily associated ourselves for the purpose of forming religious corporation in accordance with SEC 116 of the Corporation Code of the Philippines and we certify: First: That the name of this corporation shall be: Bayan ng Katotohanan Inc. Second: That this religious corporation is a religious organization and an independent organization. It is also known as the City of Truth.”

11012348_1404649513176178_4576161394408516759_n

Si G. SORIANO ang Presiding Minister sa samahang ito tulad ng mababasa sa kanyang pahayag na ganito:

“That I, Eliseo SORIANO of legal age Filipino, and a resident of K-40 Bagong Pag-asa Subdivision, Apalit, Pampanga, after having duly sworn in accordance with law, do hereby depose and say that I am the Presiding minister of the Bayan ng Katotohanan INC.”

Sinumpaan niya ito sa harap ni Attorney Benjamin Alba noong December 14, 1993. May mga lagda ito nina G. SORIANO, Danilo Navales, Daniel Razon, Josell Mallari, Freddie Cabanilla, Arcadio Mallari at Renato Dimalanta.

Hindi pa ba sila nasiyahan sa mga naunang samahang ipinarehistro kaya’t nagparehistro na naman ng panibagong samahan? Sa Diyos ba ang samahang ito na sa mula’t mula pa ay laging nagbabago ng pangalan? Hindi na ba ito magiging opisyal?

Kayo ang humatol.

Noong 1994 ay inihabla ng grupo ni G. Nieto si G. SORIANO.

Nobyembre 20, 1995 nang dumating ang pasiya ng korte na palitan ni G. SORIANO ang pangalan ng Iglesiang ipinarehistro niya noong 1980. Ganito ang desisyon ng SEC:

“Respondent Mga kaanib sa Iglesia ng Dios kay Kristo Jesus Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas is hereby mandated to change its corporate name not deceptively similar or identical to the name already used by the Petitioner.”

So ordered. May lagda ito ng hearing officer na si Ysobel Yasay Murillo. Samakatuwid, muling natalo si G. SORIANO.

Noong taong 1996 ay nag-apela si G. SORIANO sa SEC dahil sa diumano ay napabayaan ng kaniyang abogado ang kasong ito. Pinalitan niya ang kaniyang abogado.

Noong October 7, 1997, dumating ang pasiya ng korte tungkol sa apela ni G. SORIANO sa pagkatalo niya sa SEC. Sa kaniyang apela ay muli na naman siyang natalo. Ganito ang pasya ng korte.

“Wherefore, the instant petition for review is hereby denied.”

May lagda ito nina Cancio Garcia, Delillah Vidallon Magtolis at Marina Buzon. Sila ay mga associate Justices sa Court of Appeals sa Maynila. Diumano ay patuloy na maghahabol si G. SORIANO hanggang sa Kataastaasang Hukuman o Supreme Court.

[TO BE CONTINUED]


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Latest Images

Trending Articles



Latest Images