Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

MGA ANTI-CATOLICOng HADLANG SA INFANT BAPTISM, HADLANG DIN SA PAGPASOK NG MGA SANGGOL SA KAHARIAN NG LANGIT

$
0
0

Pope Francis with the Children during Papal Visit last January 2015 in the Philippines

Pope Francis with the Children during Papal Visit last January 2015 in the Philippines

 

INFANT BAPTISM —

Sinong anti-katoliko ang humahadlang na makapasok sa kaharian ng Diyos ang mga bata o sanggol? —

John 3:5 Sumagot si Jesus: Talagang talagang sinasabi ko sa iyo, “””WALANG MAKAPAPASOK”””sa kaharian ng Diyos
kung hindi siya isisilang mula sa tubig at Espiritu. —

Sino nga ba ang humahadlang? —

Ang mga anti-katoliko na ayaw pabautismuhan ang mga bata o sanggol, ipinagpapaliban pa nila ito. So samakatuwid hinahadlangan nila na makapasok sa kaharian ng Diyos. Papaano kung may physical difficulties, oh kaya namatay???

Eh sinabi naman ni Jesus ang ganito sa isa pang talata ng bibliya: —

Mat 19:14 Kaya sinabi ni Jesus: ”Pabayaan ninyo sila. Huwag ninyong pigilang lumapit sa akin ang mga BATA. Sa mga tulad nga nila ang Kaharian ng Langit.” —

Eh ang kaso ayaw palapitin ng mga anti Infant Baptism. —

CONTEXT MEANING (Nag-usap ang dalawang magkaibigan) —

Roma 10:13-14 Hindi mabibigo ang sumasampalataya sa kanya. Ngunit puwede ba silang tumawag sa hindi nila sinasampalatayanan? At puwede ba naman silang sumampalataya sa hindi nila narinig? At puwede ba nilang marinig kung hindi sila pinagpahayagan? —

Ito po ang isa sa talata kung bakit tutol sa infant baptism ang ibang paniniwala ng ibang sekta —

Unang una ang mga salitang nasusulat sa talatang ito ay hindi tumutukoy kung HINDI PWEDENG BAUTISMUHAN ANG SANGGOL O BATA. —

Bakit naman? —

Eh wala naman talagang nakasulat patungkol bago bautismuhan eh. It’s only on their mind. Kahit ulit ulitin mong basahin ang Roma 10: 1-21 wala ka namang mababasa na ITO ANG DAPAT NYONG GAWIN BAGO MAGBAUTISMO. —

Bakit ulit??? —

Aba eh tingnan mo sa mga naunang talata; —

Roma 10:3 Hindi nila alam ang pagpapaging matuwid ng Diyos at hangad nilang pairalin ang sariling pagkamatuwid, kaya hindi sila nagpasakop sa pagpapaging matuwid ng Diyos. —

Ay yun pala eh tungkol sa pagiging matuwid ang usapan, aba eh kalayo sa infant baptism. —

Tungkol ba saan ang usapan??? —

Roma 10:4 Si Kristo nga ang layunin ng Batas, tungo sa pagpapaging matuwid sa lahat ng sumasamplataya. —

Yun pala related sa Batas ang pinaguusapan at tungkol sa lahat ng sumasamplataya,,,ala eh wala pa kong nakikitang relasyon sa bautismo gah —

Ah ito ginagamit nila ito bilang bible basis kung bakit tutol sila sa infant baptism. —

Roma 10:9 Maliligtas ka kung ipahahayag ng iyong bibig na Panginoon si Jesus at kung paniniwalaann mo sa iyong puso na muli siyang ibinangon ng Diyos mula sa mga patay. —

Oh ayan ah kailangan ipahayag ng iyong bibig na Panginoon si Jesus bago ka bautismuhan di yan magagawa ng sanggol. —

Aba talaga naman napakasinungaling eh,,,wala namang sinabi na bago o dapat ipahayag bago bautismuhan, tingnan mo nga kung may nakasulat wala naman talaga, sinungaling. —

Eh bakit sinungaling naman??? —

Aba eh kahit basahin mo pa yung mga sumusunod wala namang patungkol sa bautismo. —

Oh hala ka ayan na ang ginamit na talata laban sa infant baptism. —

Roma 10:13-14 Hindi mabibigo ang sumasampalataya sa kanya. 14 Ngunit pwede ba silang tumawag sa hindi nila sinasampalatayanan? At pwede ba naman ba silang sumampalataya sa hindi nila narinig? At pwede ba nilang marinig kung hindi sila pinagpahayagan. —

Ala eh oo nga naman hindi nga naman marunong sumampalataya ang sanggol pero dun sa pangalawa naririnig nila yun,,,,yun nga lang di nila maunawaan he he ,,,aba siyempre sanggol eh. —

Tutuo ba yan??? —

tabalu pen —

Ala namang relasyon sa bautismo na sinasabi eh,,,wala pa rin,,,, promise talaga —

Eh para kanino ba yan? At hindi ba sila talaga nakarinig??? —

Yan ga ang magandang tanong kaibigan. —

Basahin natin ang susunod na mga talata. —

Roma 10:18 At ito ang aking tanong; HINDI BA SILA NAKARINIG??? PERO NAKARINIG SILA. May mga nangaral at lumaganap ang kanilang tinig sa buong sanlibutan at ang pangangaral sa magkabilang dulo ng daigdig. —

Ala eh bat ganun? Sabi nila kailangan MAKARINIG at sumampalataya??? Yun nga eh kasi nga mali ang paggamit nila ng talata sariling pangagatwiran lang para mapanindigan ang pagtutol sa infant baptism. —

eh para kanino ba sinasabi yan??? —

teka muna tanong ka ng tanong eh may nakita ka na ba na sinasabi ito ang gawin nyo bago bautismuhan??? —

ala pa nga eh,,,,so ano nga ulit yung tanong mo??? —

Para kanino kako ba sinasabi yan??? —

Roma10:19 Kaya muli kong itinanong: Ano, HINDI NAKAUNAWA ANG ISRAEL? At ito ang agad na sagot ni Moises: Pagseselosin ko kayo sa isang bayan na di bayan; iinisin ko kayo sa pamamagitan ng isang bansang hangal. —

Wala naman pala talagang kinalaman sa bautismo eh, wala ring nakasulat, na kahit mabanggit man lang sana kundi tungkol sa PAGIGING MATUWID, TUNGKOL SA BATAS, AT TUNGKOL SA ISRAEL pati nga si moises kasali eh, —

Kaya nga po huwag tayong basta maniniwala sa pa pick-up pick-up lang ng talata ganyan po ang trabaho ng kaaway. Eh kung talagang yan pa din ang ipipilit nila eh di pilosopohin nyo na din ng ganito;

KAHIT NAMAN HINDI AKO MAGHANAP MATATAGPUAN AKO AT MAKIKITA NYA AKO KAHIT HINDI AKO MAGTANONG. —

Tama ba o mali??? Mali di ba??? kasi yan ang nasusulat sa;

Roma 10:20 Pinangangahasan naman
sabihin ni Isias: natagpuan ako ng hindi naghahanap sa akin, nagpakita ako sa mga hindi nagtanong tungkol sa akin. —

yun naman pala eh bakit pa ko maghahanap,,,,,tama ba yan? MALI. —

kaya wag nyo gagayahin yan. —

So kanino nga sinasabi o tumutukoy ang sinasabi dito???

Roma 10:21 At ang Israel ang tinutukoy ng salitang ito: buong hapon kong iniunat ang aking mga kamay sa isang bayang sumasalungat at di naniniwala. —

Kaya nga ang Roma 10:9,,,,,at Roma 10:13-14 ay walang relasyon sa infant baptism kundi tumutukoy sa Israel,,,,kaya wa nyong i relate sa sanggol na hindi nakarinig, —

Eh nakarinig nga eh kaso hindi naman tumutukoy sa sanggol,,,eh sinabi nga sa; —

Roma 10:18 NAKARINIG SILA lumaganap nga sa buong sanlibutan eh….,,,,,,,,,,,,,kaya mali ang sariling interpretasyon nyo laban sa infant baptism dahil wala naman talagang kuneksyon,,,isip nyo lang yun,,,—

God Bless us always


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Latest Images

Trending Articles



Latest Images