ANG INSPIRASYON NG BANAL NA KASULATAN:
Pwede ba yun? Naniniwala ka sa Dios pero d ka naniniwala sa Biblia?
So, saan mo nakuha yung ideya na ang Dios ay mapagmahal, tapat, at maawain kung hindi sa Biblia?
Walang pinagkaiba 2 sa paniniwala ng Mason. Sila man ay naniniwala sa Dios, pero d naniniwala sa inspirasyon ng Biblia. Dahil ang Biblia, una sa lahat, iyan ay salita ng Dios gamit ang salita ng tao (Dei Verbum).
At isa pa, ang pinagkaiba ng Biblia sa ibang aklat ay dahil may mga hula nang sinabi nang pauna bago ito natupad. Halimbawa, sinabi sa Biblia, na wawasakin ang Jerusalem. At nangyari nga, matapos ang pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus, noong 70 A.D.
Isa pa, maraming hula sa Lumang Tipan patungkol sa pagdating ng Mesias na natupad sa pamamagitan ng iisang tao sa kasaysayan ng mundo, si Jesus. Kung kaya’t siya ang Cristo, ang Anak ng Dios na buhay at samakatuwid, Dios na nagkatawang tao.
Isa pa, may sinabi ang Biblia na swak na swak sa ating pamumuhay ngayon. Halimbawa, may sinabi ang Biblia, “Ang pag-ibig sa salapi ay siyang pinagmumulan ng kasalanan”. Yan ay totoo at nakikita natin ito sa mga tampalasan sa gobyerno na walang ginawa kundi magnakaw sa kaban ng bayan.
Isa pa, may sinabi ang Biblia na, Lahat ng sikreto ay ihahayag. Totoo iyan, kung ating susubaybayan ang mga kumakalat na balita. Nahuhuli sa akto ang nagtatago.
Kaya sa oras ng kagipitan, ang Salita ng Dios na naisulat ang ating kasangga. Iyan ang magpapakilala kung anong klaseng Dios ang pinaniniwalaan natin bilang mga Cristiano.
Awit 119:105, Ang salita mo’y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.
Awit 119:11, Ang salita mo’y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo
Dahil ang Salita ng Dios ay katotohanan at nakakatagos ang mensahe nito sa bawat isa sa atin:
Juan 17:17, Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan.
Hebreo 4:12, Sapagka’t ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.
Bilang pagtatapos, ito po ang isang talata mula sa Biblia mismo bilang ating pagninilay:
Roma 15:4, Sapagka’t ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa.
2 Timoteo 3:16-17, Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.
Kaya’t ugaliin magbasa ng Biblia at gawin ito sa liwanag ng Iglesiang haligi at saligan ng katotohanan (1 Timoteo 3:15).