Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

TULA-AWIT PARA SA TUNAY NA IGLESIA AT SA MGA BULAANG PROPETA By Don Randeyl Mar Llenaresas

$
0
0
The Lord jesus Christ entrusting the Keys of the Kingdom to St. Peter

The Lord jesus Christ entrusting the Keys of the Kingdom to St. Peter

Ang Unang Papa si Pedro
Na ngangahulugang bato
Sa kanya itinayo ito
Ang Iglesia ngang totoo
Ng Panginoong JesuCristo

Ang Simbahan ay Saligan
Ng katotohanang aral
Na kailangan nga ng tanan
Upang ating kaligtasan
Kalangitan ay makamtan

Maraming sekta nabuo
Pawang mga negosyo ito
Lahat nagsasabi nito :
Lahat kayo’y ligtas dito
Kahit hindi naman totoo

Sapagkat ang Kaligtasan
Ay nasa aral ng kawan
Ni JesuCristo ngang mahal
Dito nga matatagpuan
Ang dalisay nga niyang aral

Ang sabi nga nitong isa
Nagsasabing tunay sila
Kaligtasan ay kanila
Natalikod daw ang iglesia
Na si Pedro unang papa

Ang wika nman ni Cristo
Sa mga bulaang ito
Kayo’y mga sa Diablo
Pagkat sinungaling kayo
Manang mana sa ama nio

Papaanong tatalikod?
Ang wika ko ay ganito :
Kamatayan talo sa inyo
Pagkat ako’y kasama niyo
Hanggang katapusan ng mundo

Kaya akin namang wika
Sa mga tao’t sa madla
Huwag nga kayong magpadaya
Mamuhay nga ng dàkila
At magpasalamat nawa.

 

Sing it to the tune of Pabasa.
Hahaha
‪#‎Simbahan‬


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles