
CFD National President Ramon Gitamondoc with Fr. Abe during the first CFD Cavite Apologetic Seminar.
CATHOLIC FAITH DEFENDERS (CFD)
Ang CFD ay may angking pambihirang kariktan,
Kapaglao’t kapagdakay sisilaw sa kalaban,
Lipas na ang panahon ng pagbubulag-bulagan,
Mga aral ni Kristo ay ihayag at ipaglaban.
Kalaba’y tatarakan sa mga puso tuwina,
Sa malalimang pag-aaral sa dako ng Siena,
Ikapaapat na linggo ay nagsasama-sama,
Kapag wala kang akay wag mong balaking pumunta.
Mga tunay na defensor may tapang sa bibig,
Subalit higit na pinananaig yaong minanang pag-ibig,
Hihilumin ang pusong sa aral ay ligalig,
Upang mga dating kalaba’y maging aming kapanalig.
Padami ng padami ang ibig magtanggol,
Sa Iglesiang hinabilin ng mga Apostol,
Sa takdang panahon Diyos na rin ang hahatol,
Sumunod ka nga ba sa tunay mong pastol.
Bagamat mahirap, may ilan pang humusga,
Ecumenism lang dapat, wag na apolohetika,
Marami din namang bibig lang ang bida,
Mas tama kung gagawing magkaagapay ang dalawa.
Sa wakas ng tula ay ating itakwil,
Mga bagay na sa ati’y nagpapasuwail,
Sa huwad, sa masama wag pasisiil,
Pro Deo et Ecclesia laban sa mga taksil.
Haha..
“Inspired by sugo Don Randeyl Mar Llenaresas“.
Isang malayang taludturan mula sa isang dugong bulakenyo.