Bernard San Pascual
Nung huli ko pong pag attend dun eh nung week after papal visit. At ang topic nila eh Papacy. As usual siniraan nila ang santo papa. grabe talaga. buti nalang napanood ko yung episode ng Know the Truth na Papacy so alam ko na yung kasagutan sa iba nilang kabulaanang pinapangaral. Pero may iba po silang pinangaral na di ko pa po alam ang sagot na itatanong ko po sana sa inyo.
1. Bakit po tinawag na “Satan” ng Panginoon si St. Peter sa Mat. 16:23?
2. Hindi daw po kay St. Peter binigay ang Keys kundi sa Church tas ginamit po nila yung Matthew 18:18. Ano po ang ibig sabihin nung verse na yun?
3. Kung si Peter daw po ang unang santo papa at ang pope eh infallible, bakit po inoppose ni Paul si Peter sa Galatians 2:11?
yung iba nilang nilecture eh alam ko na sagot kasi po napanuod ko na sa dalawang episodes ng Know the Truth tulad ng petros petras, yung kaibahan ng pagiging rock ni Peter at ni Christ, pero di ko pa lang po alam yung tatlo. thanks po!
ps. paki anonymous naman po ako kung ipopost nyo po msg ko sa blog nyo. maraming salamat po!

The Splendor of the Church
Dear Bernard,
Salamat sa Panginoong Dios sapagkat sa kabila ng pamimilit sa iyo ng iyong Tita na mag Pentecostal Born-Again ay minabuti mo pa ring manatiling Catolico. Tama ka maraming naglilipanang mga bulaang propeta ngayon at isa na diyan ay itong PEKENG APOSTOL na si ARSENIO T. FERRIOL ng 4th WATCH PENTECOSTAL. Purihin ang Panginoon at nakita mo at na-observahan ang cultong ito na ginagamit ang Salita ng Dios na tila isang kalakal for personal business. Now hayaan mong sagutin ko ang mga katanungan mo:
[1. Bakit po tinawag na “Satan” ng Panginoon si St. Peter sa Mat. 16:23?]
Dahil imbes na sundin at tanggapin ni Pedro ang kalooban ng Dios hinggil sa darating na paghihirap at kamatayan ng Panginoong Jesus mas inisip nia ang kanyang personal na kagustuhan. Bagamat malinis ang intention ni Pedro dahil ayaw niang masaktan ang Panginoong Jesus subalit kung hindi mamamatay sa Krus ang Panginoon hindi tayo magkakaroon ng Katubusan at iyon ang gusto ni Satanas.
Hindi naman literal iyon na Satan si Pedro. Iyon ay figurative lamang o analogical o paghahambing. Halimbawa, tinawag ni Cristo na mga ULOPONG ang mga Pariseo, o LAHI NG MGA ULUPONG. Hindi nangangahulugan iyon na literal na ahas sila o kaya anak sila ng tunay na cobra. Ibig sabihin non sila ay mga traidor at dangerous. Ganon din ng sinabihan sila ng Panginoon na sila ay mga KULAY PUTING MGA PUNTOD [white-washed tombs] hindi ibig sabihin tunay silang mga libingan kundi sila ay nagmamalinis sa panlabas pero ang kalooban ay puno ng kasalanan, karumihan at kasamaan. Ganon din naman si San Pedro ay hindi literal na Satanas sa Mt 16:23 ibig sabihin lang na si Pedro ay hindi sumunod sa kalooban ng Dios sa halip nanaig sa kanya ang tukso ng Diablo dahil ayaw niang matuloy ang ultimate Sacrifice ng Panginoong Jesus sa Krus.
Ang pinaka-matinding patunay na si Pedro ay hindi si Satanas ay ang mismong PANALANGIN NI JESUS PARA PROTEKTAHAN SI SAN PEDRO LABAN KAY SATANAS:
Lk 22:31-32 [Good News Bible] “Simon, Simon! Listen! Satan has received permission to test all of you, to separate the good from the bad, as a farmer separates the wheat from the chaff. But I have prayed for you, Simon, that your faith will not fail. And when you turn back to me, you must strengthen your brothers.”
So, MISMONG ANG PANGINOONG JESUS ANG NANALANGIN PARA MA PROTECTAHAN SI SAN PEDRO LABAN SA MASAMANG LAYON NI SATANAS. KAYA SI SAN PEDRO AY NAGING MATATAG NA APOSTOL AT HALIGI NG SANTA IGLESIA. Di tulad ni ARSENIO FERRIOL na isang PEKENG APOSTOL kasi SELF-PROCLAIMED SIYA di tulad ni St. Peter na si Jesus ang pumili at humirang.
[2. Hindi daw po kay St. Peter binigay ang Keys kundi sa Church tas ginamit po nila yung Matthew 18:18. Ano po ang ibig sabihin nung verse na yun?]
Kasinungalingan at walang basehan ang paninira ni Pekeng Apostol Arsenio Ferriol laban kay San Pedro. Kitang kita sa talata ng Mt 16:18-19 na SI PEDRO ANG PINAGBIGYAN NG KEYES OF HEAVEN. The Church receives the Keys THROUGH ST. PETER dahil siya ang hinirang ng Panginoong Jesus na mamuno sa Santa Iglesia:
Mt 16:18-19 [Good News Bible] “And so I tell you, Peter: you are a rock, and on this rock foundation I will build my church, and not even death will ever be able to overcome it. I will give you the keys of the Kingdom of heaven; what you prohibit on earth will be prohibited in heaven, and what you permit on earth will be permitted in heaven.”
See, very very clear:
I tell YOU Peter
YOU are ROCK
I will give YOU THE KEYS
What YOU prohibit shall be prohibited
What YOU permit shall be permitted
Only liars will ever say that the Keys were not given to St. Peter. Hello, marunong ba silang magbasa? Malinaw pa sa sikat ng araw ang sinabi ng Panginoon. Obvious na obvious na binabalasubas nila ang Salita ng Dios para pagtakpan ang katotohanan. MAS LALONG KASINUNGALINGAN NA SABIHING KAY ARSENIO FERRIOL BINIGAY ANG KEYS OF HEAVEN. Pwede ba, hindi tayo hibang para maloko nia. SI ARSENIO FERRIOL ANG HINDI BINIGYAN NG KEYS OF HEAVEN DAHIL KAY ST. PETER BINIGAY. KAYA TIGILAN ANG KANILANG ILUSYON.
Basahin naman natin ang talatang bigay nila:
Mt 18:18 [Good News Bible] “And so I tell all of you: what you prohibit on earth will be prohibited in heaven, and what you permit on earth will be permitted in heaven.”
Basahin mo ng mabuti ang talata… May nabanggit ba na KEYS OF HEAVEN diyan? WALA…. Walang wala. NO NO NO… NADA, NUNCA, NIENTE….. NOTHING… IN RUSSIAN: NYET, NYET!!! Ha ha ha… Ang binibigay diyan ay AUTHORITY TO FORGIVE SINS and THE GOVERNING AUTHORITY OF THE APOSTLES as first BISHOPS OF THE CHURCH.
ANG ISSUE DIYAN AY PAGPAPATAWAD NG KASALANAN:
Mt 18:15 “If your brother SINS against you, go to him and show him his fault. But do it privately, just between yourselves. If he listens to you, you have won your brother back.
Mt 18:16 But if he will not listen to you, take one or two other persons with you, so that ‘every accusation may be upheld by the testimony of two or more witnesses,’ as the scripture says.
Mt 18:17 And if he will not listen to them, then tell the whole thing to the church. Finally, if he will not listen to the church, treat him as though he were a pagan or a tax collector.
Mt 18:18 “And so I tell all of you: what you prohibit on earth will be prohibited in heaven, and what you permit on earth will be permitted in heaven.
Kaso may power ba magpatawad ng kasalanan ANG PEKENG APOSTOL ARSENIO FERRIOLL? WALA… Walang wala. NO NO NO… NADA, NUNCA, NIENTE….. NOTHING… IN RUSSIAN: NYET, NYET!!! Ha ha ha… Iyan ay higit pang sinusugan ng Panginoong Jesus matapos na siya ay mabuhay na mag-uli:
Jn 20:21-23 [Good News Bible] “Jesus said to them again, “Peace be with you. As the Father sent me, so I send you.” Then he breathed on them and said, “Receive the Holy Spirit. If you forgive people’s sins, they are forgiven; if you do not forgive them, they are not forgiven.”
ANG IGLESIA CATOLICA ANG MAY POWER TO FORGIVE SINS IN THE NAME OF THE CHURCH AND IN THE NAME OF THE LORD. Sa Catholic Church natupad ang Mt 18:18 through our Bishops who grants faculties to our priests to forgive sins in the Sacrament of Confession and sa Catholic Church natupad ang Mt 16:18-19 dahil si San Pedro ang ating First Pope at hindi ang PEKENG APOSTOL NA SI ARSENIO FERRIOL. Sorry na lang sa kanya pero yan ang KATOTOHANAN. KAY SAN PEDRO IPINAGKALOOB ANG MGA SUSI NG LANGIT AT HINDI KAY FERRIOL. SA SANTA IGLESIA AT HINDI SA 4TH WATCH PENTECOSTAL NA BAGONG IMBENTONG CULTO.
[3. Kung si Peter daw po ang unang santo papa at ang pope eh infallible, bakit po inoppose ni Paul si Peter sa Galatians 2:11?]
Pinapakita lamang ni PEKENG APOSTOL FERRIOL na ignorante sia sa Biblia at sa Doctrine of Infallibility ng Iglesia Catolica.
Una, bago ang Gal 2:11 dapat binasa muna nia ang First Chapter of Paul’s Letter to the Galatians:
Gal 1:17-18 [KJV] “Neither went I up to Jerusalem to them which were apostles before me; but I went into Arabia, and returned again unto Damascus. Then after three years I went up to Jerusalem to see Peter, and abode with him fifteen days.”
Matapos ang tatlong taon na pananalangin ni Paul sa disierto ng Arabia siya ay nagpunta ng Jerusalem at ang unang una na kanyang binisita at kinausap ng masinsinan ng mahigit two weeks ay SI SAN PEDRO AT HINDI SI PEKENG APOSTOL ARSENIO FERRIOL. Pinakita ni St. Paul na higit sa kanino mang Apostol si San Pedro ang pinaka mahalaga at importante. Siya ang pangunahing Witness of Christ at primerong may authoridad sa Santa Iglesia.
Samantala, ang Gal 2:11 ay nagpapahayag ng fraternal correction among the Apostles. Bilang leader ng Santa Iglesia si St. Peter ay dapat na mag-ingat sa kanyang pakiki-tungo sa bawat miembro o grupo ng mananampalataya. Bilang isang tao nagkakamali si San Pedro. Diyan palpak ang pang unawa ni PEKENG APOSTOL FERRIOL sa doctrina ng INFALLIBILITY OF THE POPE. Ang infallibility ay nagsasaan na ang Santo Papa ay hindi maaring magkamali sa OFFICIAL TEACHING concerning FAITH and MORALS. Subalit hindi sinasabi ng doctrina na hindi na maaring magkamali ang Pope sa kanyang ordinariong pamamahala, pagkilos, pagsasalita at pamumuno. INFALLIBILITY IS DISTINCT FROM IMPECCABILITY.
Sa Gal 2:11 pinuna ni San Pablo ang pagkakamali ni San Pedro hinggil sa pakikitungo nia sa mga Judio at mga Hentil. Ang bagay na iyan ay hindi nagpapahayag ng OFFICIAL TEACHING ON FAITH AND MORALS. Walang tinuro si St. Peter: “Ganito ang dapat gawin pag kasama ang mga Jewish Christians!” Kaya hindi sakop iyan ng doctrine of Infallibility. Dapat din nating tignan ang HUMILITY NI ST. PETER. Sa halip na makipag away siya kay San Pablo siya’y nagpakumbaba at tumahimik. Hindi na nia inulit ang pagkakamaling iyon. He listened to St. Paul and learned his lessons. Kaya naman sila ay parehong namatay na tapat sa Dios at nagkaka isa sa puso at sa pananampalataya. Pareho silang naglingkod ng buong kabanalan sa kalooban ng Dios.
Ang pagsasabi sa Pope ng hindi pagsang ayon ay pangkaraniwan sa mga Catholics. Late last year nagpahayag ng hindi pagsang ayon si Cardinal Burke sa istilo ng pamamahala ni Pope Francis subalit hindi nabawasan ang pagiging Santo Papa ni Pope Francis at ang kanyang authority to teach infallibly in matters of faith and morals. May mga Catolico na hindi sang-ayon sa turo ng Pope on Contraceptives, Abortion, Euthanasia, Genetic Engineering, at iba pang mga issues subalit ang Pope ay Pope pa rin at hindi nababawasan ang kanyang karangalan at Authority. Kapag ang isang Senador ay tinuligsa ang Presidente hindi nangangahulugan na hindi na presidente ang Pangulo dahil lamang merong isang righ ranking officer na tumuligsa o sumalansang sa kanya. Kahit na ang mga teachers sinasalansang ng kanilang mga estudianteng maraming reklamo pero sila pa rin ang teachers. Maraming magulang na pinagagalitan ng mga anak nila subalit hindi nawawala ang kanilang pagiging magulang. Kaya walang binatbat iyang paninira ng PEKENG APOSTOL NA SI ARSENIO FERRIOL. Huwag magpaloko sa BULAANG PROPETA NA BAGONG LITAW SA CULTONG BAGONG IMBENTO.