Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

PINAGBABAWAL BA NG DIYOS ANG LAHAT NG MGA REBULTO, IMAHE AT LARAWAN? BAKIT MAY LARAWAN ANG CATHOLIC CHURCH? By Vin Ureta

$
0
0

1

 

Vilma Oblino at iba pang ‘born against’ pakibasa ito at unawain using your Logic & Analogy, ok???

1.) PINAGBABAWAL BA NG DIYOS ANG LAHAT NG MGA REBULTO, IMAHE AT LARAWAN???

2.) BAKIT ANG UNIVERSAL OR CATHOLIC CHURCH AY MAY MGA REBULTO O IMAHE NG PANGINOONG JESU-KRISTO, NI MARIA AT MGA SANTO O SANTA???
__________((((())))_________

Sagot sa unang tanong:

HINDI…!!! Bakit???

Ang Diyos MISMO ang nag-UTOS kay Moses na gumawa ng 2 REBULTO ng anghel o kerubin at ILALAGAY ito sa altar o ‘Kaban ng Tipan’ [Ex 25:10-22]

“AT GAGAWA KA NG DALAWANG KERUBIN NA GINTO; GAGAWIN MO IYON SA PAMAMAGITAN NG PAGPITPIT, SA DALAWWANG DULO NG LUKLUKAN ANG AWA… Doon AKO makikipagtagpo sa’yo, at mula sa IBABAW ng dalawang KERUBIN na sa ibabaw ng kaban ng tipan doon KO kayo KATATAGPUIN at ibibigay KO sa iyo lahat ng mga utos KO para sa mga anak ni Israel.” (Ex 25:18-22)

Dahil nga NAROON ang PRESENSIYA ni YAHWEH sa ‘kaban ng tipan’ na may mga REBULTO ng anghel, si Joshua at lahat ng elders ng Israel ay LUMUHOD at NAGPATIRAPA sa DIYOS na HUMARAP sa 2 REBULTO NG KERUBIN (Jos 7:6-13)

AT NAG-UTOS DIN SI YAHWEH NA GUMAWA NG REBULTO NG AHAS NA TANSO NA ANG SINUMANG NATUKLAW NG AHAS AT TUMINGIN SA REBULTO NG AHAS NA TANSO NA ITINAAS NI MOISES SA ILANG AY HINDI MAMAMATAY (Numbers 21:8-9)

Sagot sa ika-2 tanong:

Imbes na 2 REBULTO ng anghel at AHAS ang ilalagay sa altar ng DIYOS ngayon sa Bagong Tipan, ay ang PANGINOONG Jesu-Kristo na MISMO na Siyang “LARAWAN ng Diyos na HINDI makikita.” (Col 1:15), sapagkat kung ANO ang ANAK ay ganon din ang AMA…” (Heb 1:3)

“Kung paanong ITINAAS ni Moises ang ahas sa ilang, ay KAILANGAN din namang ITAAS ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay.”
(Jn 3:14-15)

Bakit may IMAHE rin si Maria?

Dahil Nanay Siya ng PANGINOONG Jesu-Kristo at ang HOLY TRINITY ay SUMAKANYA (Luke 1:35)

Si Maria at lahat ng mga santo at santa ay tumalima at sumunod sa panawagan ng Diyos na magpakabanal (Lev 11:44, 19:2).

AT MGA TAGAPAGMANA NG KAHARIAN NG DIYOS (Rom 8:16~17)

At dahil NAGTAGUMPAY sila, BINIGYAN sila ng PANGINOONG Jesu-Kristo ng kapangyarihan na mamahala sa mundo gamit ang tungkod na bakal na dudurog sa mga bansa (Apoc 2:26-28)

At ang kanilang panalangin ay higit na malakas kahit kanino man na dito sa mundo (Sant 5:16-17).

Logic, Analogy at Guidance ng Holy Spirit ang kailangan upang MAUNAWAAN ang post na ito.

Salamat.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Latest Images

Trending Articles



Latest Images