ANO NGA BA AT SINO SINO ANG MGA DIUS DIUSAN AYON SA BIBLIYA ??? —
Dius-diusan – base sa bibliya ang mga larawan, imahe, o rebulto na ito ay siya mismong sinamba bilang Diyos. Meaning a false god not the true God. —
Greek – ειδώλω – the idol / Their idols / of their idols / idols / are idols etc. — Strong -1497 & 1473 —
SAANG MGA ILANG BAHAGI ITO MABABASA SA BIBLIYA (Lumang Tipan) —
Exodo 20:4 Huwag kang gagawa ng inukit na #diyus-diyusan o imahen ng anumang nasa langit sa itaas o nasa
lupa sa ibaba o nasa mga tubig sa ilalim ng lupa. —
Exodo 32:4 Kinuha niya ang mga iniabot sa kanya at sininsil, at gumawa siya ng guyang tinunaw na metal. At sinabi nila: “Ito ang iyong mga #diyos, O Israel, na naglabas sa iyo mula sa Ehipto.” —
Note: GUYANG TINUNAW NA METAL. —
Genesis 31:19 Sinamantala naman ni Raquel ang paggugupit sa balahibo ng tupa, at ninakaw ang #sagradong_ rebulto ni Laban —
Genesis 31:34 Ngunit dinala ni Raquel ang #sagradong_rebulto at inilagay sa ilalim ng inuupuan niya sa kamelyo. Hinalughog ni Laban ang buong tolda ngunit wala siyang nakita. —
Note: SAGRADONG REBULTO NI LABAN
Leviticus 19:4 Huwag kayong dudulog sa mga #diyus_diyusan o igagawa ang inyong sarili ng mga diyos na tinunaw na metal: ako si Yaweng Diyos ninyo. —
Leviticus 26:30 Wawasakin ko ang inyong mga altar sa burol, at gigibain ang inyong mga altar ng insenso, itatambak ko ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng mga mga walang buhay ninyong #diyus_diyusan, at kasusuklaman ko kayo. —
Note: TINUNAW NA METAL —
Numbers 25:2 Inanyayahan ng mga babaeng ito ang bayan na mag alay ng mga handog sa kanilang mga #diyos. Doon nagsikain ang sambayanan at yumuko sa harap ng kanilang mga #diyos. —
Numbers 33:52 Palayasin ninyo ang lahat ng naniniraham sa lupang nasa harap ninyo, wasakin ninyo ang kanilang mga imahen, basagin ang mga#minoldeng_rebulto at durugin ang lahat nilang altar sa burol. —
Note: MINOLDENG REBULTO —
Deuteronomy 29:17 Huwag sanang magkaroon sa inyo ngayon ng lalaki o babae, angkan o tribu na ang puso’y lumalayo kay Yaweng ating Diyos para puntahan at paglingkuran ang mga #diyos ng mga bansang iyon. Wala sanang mag-ugat sa inyo na magbubunga ng pait at lason. —
Deuteronomy 32:21 Pinagselos nila ako sa isang hindi diyos at ginalit nila ako sa kanilang mga #diyus_diyusan. Kaya papaseselosin ko naman sila sa isang hindi bayan gagalitin ko sila sa isang hangal na bansa. —
Note: DIYUS-DIYUSAN SA EHIPTO V.24-25
1 Samuel 31:9 Pinugutan nila ng ulo si Saul at kinuha ang kanyang mga sandata at nagpasugo sa buong lupain ng mga Pilisteo upang ipahayag ang magandang balita sa mga templo ng kanilang mga #diyus_diyusan at sa mga tao. —
Note: DIYUS-DIYUSAN NG MGA PILISTEO —
1 Kings 11:2 mula sa mga bansang sinabi ni Yawe sa mga Israelita: “Huwag kayong mag-asawa sa kanila o sila sa inyo sapagkat ibabaling nila ang inyong puso sa kanilang mga #diyos. —
1 Kings 11:7 Nagtayo pa si Solomon ng isang altar sa burol sa Silangan ng Jerusalem para kay Kemos na #diyus_diyusan ng Moab pati lay Milkom na diyos ng Amonita. —
1 Kings 11:33 Gagawin ko ito dahil tinalikuran niya ako at sinamba si Astarteng #diyosa ng mga Sidonio, si Kemos na diyos ng Moab, at si Milkom na #diyos ng mga Amonita.,,,,,,,,, —
2 Kings 17:12 Pinaglingkuran nila ang kasuklam suklam nilang mga #diyus_diyusan sa kabila ng sinabi sa kanila ni Yaweng “Huwag ninyong gawin ito.” —
2 Kings 21:11 Pinag-ibayo ni Manases na hari ng Juda ang mga kasuklam-suklam na gagawin, at mas masahol pa ang ginawa niya kaysa mga Amorreo noon, Pinagpakasala niya ang sambahayanan ng Juda sa pamamagitan ng kanyang mga #diyus-diyusan. —
2 Kings 21:21 Ganap niyang sinundan ang mga yapak ng kanyang Ama — pinaglingkuran niya ang mga #diyus-diyusang pinaglilingkuran ng kanyang ama at niyukuan niya ang mga iyon —
2 Kings 23:24 Sinunod ni Yosias ang lahat ang lahat ng sinasabi ng Batas na nakasulat sa aklat na natagpuan ng paring si Helkias sa Bahay ni Yawe. Iniligpit niya ang mga espiritista at mga manghuhula, ang maliliit na #diyos ng sambahayan at maruruming diyus diyusan, at lahat ng kasuklam suklam na bagay na nakita sa lupain ng Juda at Jerusalem. —
Note: —
KEMOS NA DIYUS-DIYUSAN NG MOAB:—
MILKOM NA DIYOS NG AMONITA: —
ASTARTE DIYOSA NG MGA SIDONIO. —
1 Chronicles 10:9 Sinamsaman nila siya at dinala ang kanyang ulo at mga sandata: at inilibot sa lupaing Pilisteo ang mabuting balita sa piling ng kanilang mga #diyus-diyusan at ng kanilang bayan. —
1 Chronicles 16:26 Mga #idolo lamang ang mga #diyos ng mga bansa: si Yawe naman ang gumawa ng mga langit. —
2 Chronicles 11:15 Nagtalaga si Yeroboam ng kanyang sariling mga pari sa mga altar sa burol para sambahin ang mga#barakong_mga_kambing_at_guyang ipinagawa niya. —
2 Chronicles 14:4 Pinaalis din niya sa lahat ng lunsod ng Juda ang mga altar sa burol at ang mga #haligung_banal_ng_araw. Naging mapayapa noon ang kaharian. —
2 Chronicles 15:16 Inalisan ni Haring Asa ng titulong Inang Reyna ang kanyang ina sapagkat nagpagawa ito ng #diyus-diyusang_Asera, pinutul niya ang #diyus-diyusan, dinurog niya ito at sinunog sa batis ng Kidron. —
Note: — HALIGING BANAL NG ARAW: DIYUS-DIYUSANG ASERA. —
Mapapansin natin na ang mga dius-diusang tinutukoy ay hindi mga imahe o rebulto ng mga taong nanampalataya at nanalig sa Diyos. —
########################## —
Kung susuriin natin ang original Hebrew text may dalawang importanteng salita ang magbibigay sa atin ng mas malalim na pang-unawa tungkol sa mga inanyuhan o mga imahe. —
Una, ang salitang “pesel” sa
ingles ay “graven image” o “idol”, —
pangalawa, ang salitang “tehmunah” sa ingles ay “likeness” o “representation” o “image” o “icon”. —
Ano ang pagkakaiba ng dalawa? —
Ang “pesel” ang mahigpit na ipanagbabawal, absolute ito, walang
exemptions dahil ang pakay ng pag-gawa nito ay para sa imahe ng diyos-diyosan. —
Ang salitang “tehmunah” ay mas malawak ang sakop dahil lahat ng imahe kabilang na ang “pesel o idol” ay sakop nito. —
Ang “tehmuna” ay hindi awtomatikong “pesel”, maari itong “miqlat”. —
Ang “pesel” at “miqlat” ay parehas na inukit o “carved” image#pero_magkaiba_ang_pakay. —
Ang pesel ay para sa “dios diosan” o inukit na imahe ng dios diosan. —
Ang “miqlat” ay “artwork” o “icon” o mga inukit na imahe hindi para sa diyos diyosan. —
Mababasa ang “miqlat” sa 1Kings 6:29, na nakapalibot sa lahat ng mga ding ding ng templo. —
Sa 1Kings 6:29, nagalit ba ang Diyos sa mga “miqlat” na ito? Hindi po. —
Mababasa sa 1King 8:11 nung
matapos ang templo, kahit maraming “miqlat”, hindi nagalit ang Diyos bagkus #pinuno_pa_Niya_ito_ng_Kanyang_KALUWALHATIAN. —
Kung lahat ng “tehmuna” ay bawal, lahat ng representasyon ay bawal, kasama na ang “miqlat”. —
Ngunit hindi, malinaw na “pesel” ang klase ng “tehmuna” ang ipinagbabawal. —
Mababasa ang “pesel” ng ~45 beses sa Old Testament ipinapakita dito ang “diyos disyosan” ang huwag gawan ng anumang representasyon. —
Ang “miqlat”, halimbawa, mga
inanyuhang kerubin ay hindi ipinagbawal bagkus ipinagawa pa ng Diyos ito. (Trebias Craig)
NEW TESTAMENT —
Greek – ειδωλολάτραις – idolaters / idolater – Strong – 1496 —
1 Corinthians 5:10 Hindi ko tinukoy ang lahat na mahalay sa mundong ito o mga sakim, mga ganid o sumasamba sa mga #idolo; kung gayon ay dapat kayong lumabas sa mundo. —
1 Corinthians 6:9 Hindi nyo ba alam na hindi magmamana ng kaharian ng Diyos ang mga sakim? Huwag kayong paloloko: ang mga mahalay, mga sumasamba sa mga #idolo, mga mapakiapid, mga bastos, mga bakla, 10 mga magnanakaw, mga sakim, mga lasenggo, mga basagulero, at mga ganid ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos. —
1 Corinthians 10:7 Huwag kayong sumamba sa mga #diyus-diyusan, tulad ng ilan sa kanila, gaya nga ng nakasulat: Umupo ang mga tao upang kumain at uminom, at saka tumayo upang maglaro. —
Ephesians 5:5 Alalahanin nga ninyo na hindi magmamana sa kaharian ni Kristo at ng Diyos ang nambababae o mahalay, o sakim na siya ngang sumasamba sa #diyus-diyusan. —
Revelation 21:8 Para naman sa mga duwag at walang pananalig at mga nagpakabulok at mga mamamatay-tao at mga nakikiapid at mga mangkukulam at mga sumasamba sa mga #huwad_na_diyos at para sa lahat ng mga huwad, ang bahagi nila’y nasa nagliliyab na lawa ng apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan. —
Revelation 22:15 Nasa labas naman ang mga aso at ang mga mangkukulam at ang mga nakikiapid at ang mga mamamatay tao at ang mga sumasamba sa mga #huwad_na_diyos, at tanang umiibig sa at gumagawa ng kabulaanan. —
Ito ang isang malinaw na maling pang-unawa ng mga sekta kabute katulad ng INC1914, SDA, SDARM, JW’S, BURN AGAIN, At iba pang mga anti katoliko na nagsasabing ang katoliko ay sumasamba sa dius diusan. Ito ay bunga lamang ng aral ng kanilang mga bulaang ministro at pastor. Nalilito sila sa sarili na rin nilang paglabag gayung sila man ay may mga imahe o icon. —
God bless us always.