Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

SAGOT SA PALUSOT NI MANALO: ‘SELF-PROCLAIMED DIN DAW SI SAN JUAN BAUTISTA, SAN PABLO AT ANG PANGINOONG JESUS’ By Tatang Larry Mallari

$
0
0

10485822_343094355865683_7721118979704304394_n

PALUSOT NG inC- SA PAGKASUGO NI FELIX MANALO:

Ang Pinakamahirap UNAWAIN na Aklat ay ang PROPETA ISAIAS (Acts 8:27-31)

Ang mga Sugo ng Dios na Hinulaan sa Aklat ni Propeta Isaias, ay “inaamin” nila na sila ang Kinatuparan ng Hula “SELF PROCLAIM”

Hindi Personal na Pangalan Nila ang Binabanggit, Kundi ang Kanilang KARAPATAN

“MGA SUGO NG DIOS”

1. CRYING IN THE WILDERNESS (Isa. 40:3)

Inamin ni JUAN BAUTISTA na siya ang CRYING IN THE WILDERNESS sa Aklat ni Propeta Isaias [Juan 1:19-23]

2. LIGHT OF THE GENTILES (Isa. 49:6)

Inamin ni Apostol Pablo na siya ang LIGHT OF THE GENTILES sa aklat ni Propeta Isaias [Acts 13:46-47]

3. HEART OF SORROWS [Isa. 61:1]

Inamin ni Cristo na siya ang HEART OF SORROWS sa aklat ni Propeta Isaias [Luk. 4:16-18]

4. BIRD OF PREY [Isa. 46:11]

Inamin ni Bro. Felix Y. Manalo na siya ang BIRD OF PREY sa Aklat ni Propeta Isaias [Future Fulfillment]

TAKENOTE: “God’s Messengers”

Bawat hula sa Aklat ni Propeta Isaias ay may “SELF PROCLAIM”

Walang mababasa sa Biblia na Inamin ni Ciro o Nag SELF PROCLAIM na siya ang Bird of Prey, Mali ang Pag uunawa ng Karamihan na si Ciro ang Kinatuparan dahil hindi naman ito inamin ni Ciro.

ANG KATOTOHANAN SA HULING PAGSUSUGO NG DIYOS:

tanggapin natin na inangkin nina juan bautista, apostol Pablo at Panginoong Jesus ang pagkakasugo ng Diyos sa kanila.

kapansin-pansin. Na ang kanilang (juan bautista, apostol Pablo at Panginoong Jesus), pangalan ay nakatala lahat sa biblia. at sila’y pinangalanan sa bahagi ng katuparan, na nakasulat sa “bagong tipan”.

wala bang patotoo sa biblia, na si haring ciro ang katuparan para gawin ang “panukala” o gusto ng Diyos? (isaias 46:11 / isaias 43:4, 13 / ezra 1:3 /)

ang katuwiran ng mga inC-1914. “huwag ninyong hanapin ang pangalan ni ka Felix sa biblia, matagal nang tapos ang biblia ng matupad ang hula sa kaniya”!

sa panahong kristiyan. ang nagsugo sa mga apostol at sa mga unang alagad ng Diyos ay ang Panginoong Jesus. tama! tinapos na ang biblia, kaya ang Panginoong Jesus na ang “huling sugo” ng Diyos Ama (juan 3:17).

talagang wala nang puwang si felix manalo, sa pagsusugo ng Diyos.
naitayo na ng Panginoong Jesus, ang kaniyang “tunay na simbahan (mateo 16:18).

at lalong hindi kailangan pa, ng “sugong” magtatayo pa ng ibang “simbahan! ang simbahan ng Panginoong Jesus ay hindi maagaw ninuman o matataliko, lagi Niya itong kasama. (juan 10:28 / mateo 28:20).

kasinungalingan ang aral ng inC-1914, “na natalikod daw ang “tunay na simbahan ng Panginoong Jesus”. Ang aral na ito’y ginaya lang ni mang felix, sa mga Mormons at sabadista!

totoong “may ibang tatalikod”. Tao ang tumalikod, at hindi ang tunay na simbahan ng Panginoong Jesus. kung pag-aaralan, kasama si mang felix sa mga tumalikod sa simbahan ng Panginoong Jesus (I timoteo 4:1).

si mang felix ay kabilang, sa mga sumalungat sa aral at tumalikod sa pananampalataya. nakinig at nagturo ang kulto ni mang felix, ng mga aral ng demonyo. (roma 16:17).

hindi pa nasiyahan si mang felix sa ginawa niyang pagtalikod sa simbahan ng Panginoong Jesus, ginulo pa niya ito at inusig! (II timoteo 2:18).

si mang felix ay walang pagkakaiba, sa mga nagtayo ng kultong sina, joseph smith, ellen white, ely Soriano, Apollo quiboloy at iba pa. mga nagpapanggap na propeta, mangangaral, bagong Cristo at SUGO! (II pedro 2:1).

ang paggamit ng inC-1914 ng mga talata sa biblia, ay puro mali at pandaraya. Talon-talon at chop-chop. Alam na ito ng marami, subalit patuloy sila sa panlilinlang (I tito 1:14).


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles