Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

MASAMA BANG MAGHANDOG NG KONTING HALAGA PARA SA PANGANGAILANGAN NG SANTA IGLESIA AT NG MGA PARI NG DIOS?

$
0
0

Ano say niyo?

 

BAYAD DAW

E sabi po ng Banal na Kasulatan ganito…
1 Timoteo 5:17-18 “Pag-ibayuhin ninyo ang ibinibigay sa matatandang mahusay mamahala, lalo na yaong nangangaral at nagtuturo ng salita ng Diyos. Ito ang sinasabi ng Kasulatan: “Huwag mong bubusalan ang baka habang ginagamit sa pag giik.” Nasusulat din: “Ang manggagawa ay karapat-dapat na bayaran.”…
Bakit po binabayaran ang taong gumawa? Sabi po ng Biblia…
Roma 4:4 “Ang ibinibigay sa taong gumagawa ay hingi ibinibilang na kaloob kundi upa,”
Siyempre po ang mga manggagawa sa loob ng simbahan ay kailangan ding mabuhay at kailangan maipagpatuloy ang iba pang mga mabubuting proyekto ng simbahan. Si San Pablo nga naghimutok tungkol dito e…
1 Corinto 9:4 “Wala ba kaming karapatang tustusan ng iglesiya sa aming pangangailangan?”
Ituloy natin sa 6…
“Kami lamang ba ni Bernabe ang walang karapatang tumigil sa paghahanapbuhay? Sinong kawal ang naglilingkod sa sariling gugol?”
At ito po ang tanong ni San Pablo diyan sa nag post na iyan…
1 Corinto 9:11-12NAGHASIK KAMI NG PAGPAPALANG ESPIRITUWAL; MALAKING BAGAY BA NAMAN NA UMANI KAMI NG MGA KAPAKIPAKINABANG MATERYAL MULA SA INYO? Kung ang iba’y may ganitong karapatan, di lalo na kami!”

Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles