Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Pagka Diyos ni Kristo, prinuwebahan ng Katoliko sa INC-M

$
0
0
imgfullsize

“St. John did not write “Thomas exclaimed” but simply “Thomas then said…” (Jn 10:28). ang salita ni Tomas ay walang halong pagkabigla bagkus ay pinag isipan bago sinabi.”

Haring Felipe:

Gamit ang tamang pag-iisip, Ang “Anak ng Tao” ay tao… Siyempre, gamit din ang tamang pag iisip, ang “Anak ng Diyos” ay Diyos. Angkin ng Panginoong Hesus ang dalawang titulong ito kaya naniniwala kami na siya ay Diyos at Tao (cf Lk 1:35; Jn 3:16 [“only Son” CCB]; Jn 3:14 etc.). Totoo ang sinasabi mong ang Panginoon ay hindi pangkaraniwang tao… Bakit? Dahil siya ay Diyos. Kaya nga ang pagsambang ginawa ng mga apostol (o sinuman) kay Hesus ay pagsambang para sa Diyos, “Ngunit sinalubong sila ni Jesus at sinabi, “Magalak kayo! “Lumapit sila sa kanya, hinawakan ang kanyang mga paa at SINAMBA siya” (Mt 28:9) at mga sumunod na mga talata, “Pumunta ang labing-isang alagad sa Galilea, sa bundok na sinabi sa kanila ni Jesus. 17 Nang makita nila si Jesus, siya’y SINAMBA nila…” (Mt. 28:16-17). Kayo ba na mga INC ay sasamba sa tao na si Kristo? Again tell us, should you worship both God (Father) and man (Jesus)? Remember the words of Daniel, “I will worship no one but the Lord my God, for he alone is the living God” (Dan. 14:25).

[Daniel Colepine: FELIPE SAN SA TALATANG YAN ANG SINABING SINAMBA SI CRISTO DAHIL DIYOS SIYA? NAGDARAGDAG KA SA TALATA…
WALA AKONG SINASBI NA BAWAL SAMBAHIN ANG CRISTO DAHIL NS BIBLIA TLGA UN DAHIL IPINAG-UTOS MISMO NG DIYOS NA SI CRISTO AY SAMBAHIN.. FILIPOS 2:9-11…
PERO SA TLATANG YAN ANG ITNURO KUNG BKT DPT SAMBAHIN SI CRISTO? DAHIL UTOS NG DIYOS AT SA IKALULUWALHATI NG DIYOS.. … AT HINDI DAHIL SA DIYOS DIN SI CRISTO
WALANG MALI SA MGA TALATANG SINABI MO…ANG MALI IDADAGDAG MO NA SI CRISTO AY SINASAMBA DAHIL DIYOS SIYA..]

Haring Felipe:

[FELIPE SAN SA TALATANG YAN ANG SINABING SINAMBA SI CRISTO DAHIL DIYOS SIYA? NAGDARAGDAG KA SA TALATA…]

Mahilig ka sa pag aakusa ng pagdaragdag. Ang mga salitang “higit sa karaniwan” ay dagdag mo rin lang. Walang mababasang ganyan. ang ipinaliliwanag ko ay ang klase ng pagsambang iginawad kay Kristo. Ang sulat ni San Pablo sa mga taga-Filipos ay sumasagot sa tanong bakit ngunit hindi ito sumasagot kung anong klaseng pagsamba. Kaya ang tanong, “Ang pagsamba ba na igagawad kay Kristo ay ang klase ba ng pagsamba ba na iginagawad sa Diyos o pagsamba sa tao?”

[WALA AKONG SINASBI NA BAWAL SAMBAHIN ANG CRISTO DAHIL NS BIBLIA TLGA UN DAHIL IPINAG-UTOS MISMO NG DIYOS NA SI CRISTO AY SAMBAHIN.. FILIPOS 2:9-11…]

Dahil siya nga ay Diyos at tinawag na “Anak ng Diyos” na nagpakumbaba kaya marapat na siya’y ating sambahin.
Ok simulan natin sa sa verse 6 (Magandang Balita Bibliya) “KAHIT SIYA AY DIYOS, hindi siya nagpumilit na manatiling kapantay ng Diyos.” Sasambahin siya dahil nagpakumbaba siya at hinubad ang pagka Diyos, nagkatawang lupa at naging masunurin hanggang kamatayan” (Fil 2:6)

[PERO SA TLATANG YAN ANG ITNURO KUNG BKT DPT SAMBAHIN SI CRISTO? DAHIL UTOS NG DIYOS AT SA IKALULUWALHATI NG DIYOS.. … AT HINDI DAHIL SA DIYOS DIN SI CRISTO]

Tanong, Anong klaseng pagsamba ang dapat igawad kay Kristo? Sabi ni Propeta Daniel, “I will worship no one but the Lord my God…” Kung ang Ama lamang ang sasambahin at wala ng iba pa, bakit idinagdag ninyo si Kristo? Basahin ulit natin ang Bibliya (Bagong Magandang Balita Bibliya), KAHIT SIYA’Y LIKAS AT TUNAY NA DIYOS, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos (Fil 2:6). Siya nga ay Diyos na nagpakumbaba. Kaya kami, alam namin ang klase ng pagsambang igawad kay Kristo at kung bakit siya ay marapat na sambahin.

[WALANG MALI SA MGA TALATANG SINABI MO…ANG MALI IDADAGDAG MO NA SI CRISTO AY SINASASAMBA DAHIL DIYOS SIYA…]

Talagang walang mali, dahil kami ay sumunod kay Propeta Daniel, we worship no one but the Lord our God. Jesus is not apart from the divinity of the Father, that is why he said, “I and the Father are one” (Jn 10:30). And similar to St. Thomas, we declare to Jesus, “My Lord and my God” (Jn 20:28).

[Daniel Colepine: brod wala akong idinagdag sa biblia na “higit sa karaniwang tao”.. sinagot ko lng un mula sa pagtuligsa sa amin na “tao lang” ang turo nmin ke Cristo.. kaya ang sabi ko wala kaming itnuturo na tao LANG Siya… wala ung LANG dahil SIya ay higit sa karaniwang tao sa sentido komon na marami siyang katangian na hindi tglay ng karaniwang tao… napakataas ng aming pagkakilala sa Cristo dahil kinikilala nmin ang itinuturo ng Biblia na Siya ay anak ng Diyos (hindi diyos anak), tagapagligtas, tagapamagitan, tanging tao na hindi nagksala etc..
Fil. 2:6 (MB) ginamit mo kasi… maling salin ng talata yan.. basahin mo sa Dating Salin.. ang nakalagay ay …”anyong Diyos”.. hindi sa sentido komon na may anyo ang Diyos dahil Siya ay isang espiritu kundi dahil sa kalarawan ng Diyos si Cristo sa kabanalan.. kung napansin mo, tinanggal ang salitang “anyo” na mula sa saling Dating Salin sa Magandang Balita Biblia…
ganun din ginamit mo ang saling BMB,, binago dn ung talata sa Fil.2:6 para palitawing Dioys si cristo.. maling salin din po un ng talata ng Biblia..
ung sa Juan 10:30 ganito naging sagot ko ke alden…
JUAN 10:30 KAMO? HEHEHE HALATANG NAKIKIGAYA KA LANG.. SA MGA NARITO
PERO PARE-PAREHO KAUNG PANGAHAS SA DI NYO NLLMAN… ANG TANONG KO SAU..
MAY NABASA KABA NA ” AKO AT ANG AMA AY IISANG DIYOS” KUNG WALA AT WALA NAMAN TALAGA.. EH DI NAGDAGDAG KA LNG… MASAMA YAN… TSK TSK TSK
BINASA MO BA UNG KONTEKSTO? UNG MGA NAUNANG TALATA BASAHIN MO NGA… BAKIT SINABI NI CRISTO “AKO AT ANG AMA AI IISA”? IISA BA SILA SA KALAGAYAN? NASA ISIP NYO LANG UN… SAN SILA IISA? BINASA MO NABA KONTEKSTO? IISA SILA SA LAYUNIN NG PAG-AALAGA SA MGA TUPA NI CRISTO.. YUN UN BROD… HEHEHE PAHIYA KA BA? SYEMPRE DI MO AAMININ HEHEHEH
KUNG SI CRISTO AT AMA AY IISA LANG NA DIYOS… SO C CRISTO NA ANG AMA, SIYA PA ANG ANAK? HUH!?! KAWAWANG MGA TAO
ung ke Tomas… ang tanong ko sau ng sabihin b ni Tomas un, nsa panahon b siya na nangangaral o kalagayan siyang nabigla kaya nasabi niya un? remember nasa panahong sila ay nagtatalu-talo ng magpakita bgla s knila si Cristo..
ganito lng yan… habang naglalakad ka ay bigla ka nakaapak ng palaka.. bglang nasabi mo… “ay kabayo” nangangahulugan b na ung palaka ay kabayo din…?]

Haring Felipe:

[brod wala akong idinagdag sa biblia na “higit sa karaniwang tao”.. sinagot ko lng un mula sa pagtuligsa sa amin na “tao lang” ang turo nmin ke Cristo.. kaya ang sabi ko wala kaming itnuturo na tao LANG Siya… wala ung LANG dahil SIya ay higit sa karaniwang tao sa sentido komon na marami siyang katangian na hindi tglay ng karaniwang tao… napakataas ng aming pagkakilala sa Cristo dahil kinikilala nmin ang itinuturo ng Biblia na Siya ay anak ng Diyos (hindi diyos anak), tagapagligtas, tagapamagitan, tanging tao na hindi nagksala etc..]

Kung wala kang dinagdag ay wala rin kaming dinagdag. Inaakusahan mo lang kami at mali din yon (Exo 20:16). Gaya mo, sinagot ko lang din at binigyan ng paliwanag gamit ang sentido kumon na sinasabi mo kung bakit si Kristo ay Diyos para sa amin (Kung ayaw mong tanggapin wala rin akong magagawa). Nang sinabi ng mga kasamahan ko na “tao lang”, ang paglagay ng “lang” ay hindi pagdaragdag sa Bibliya kundi ang pagbigay ng paliwanag na para sa inyo nga ay wala siyang kalagayan na higit sa tao. Ang paglagay ng “lang” ay gaya rin ng pagdagdag mo na “higit sa karaniwan” na hindi mababasa sa bibliya kundi sa sentido kumon lang na sinasabi mo. Ang tao (karaniwan o higit man) ay hindi kailan man gagawaran ng pagsamba (latria), tama o mali? Sagutin mo na rin ang tanong na hindi mo pa rin sinasagot hanggang ngayon, “Ang pagsamba ba na igagawad kay Kristo ay ang klase ba ng pagsamba ba na iginagawad sa Diyos o pagsamba sa tao?”

[Fil. 2:6 (MB) ginamit mo kasi… maling salin ng talata yan.. basahin mo sa Dating Salin.. ang nakalagay ay …”anyong Diyos”.. hindi sa sentido komon na may anyo ang Diyos dahil Siya ay isang espiritu kundi dahil sa kalarawan ng Diyos si Cristo sa kabanalan.. kung napansin mo, tinanggal ang salitang “anyo” na mula sa saling Dating Salin sa Magandang Balita Biblia…
ganun din ginamit mo ang saling BMB,, binago dn ung talata sa Fil.2:6 para palitawing Dioys si cristo.. maling salin din po un ng talata ng Biblia..]

Para malaman mo, wala kang karapatan na magsabi kung anong salin ng Bibliya ang tama o mali, una, wala ka namang sariling salin. Pangalawa, ang samahan mo ay hindi ang siyang may hawak ng mga orihinal na mga manuscripts o codices kaya wala nga kayong karapatan. Dependent kayo sa mga salin ng mga Katoliko at Protestante. Itanim mo sa isip iyan.

[ung sa Juan 10:30 ganito naging sagot ko ke alden…
JUAN 10:30 KAMO? HEHEHE HALATANG NAKIKIGAYA KA LANG.. SA MGA NARITO
PERO PARE-PAREHO KAUNG PANGAHAS SA DI NYO NLLMAN… ANG TANONG KO SAU..
MAY NABASA KABA NA ” AKO AT ANG AMA AY IISANG DIYOS” KUNG WALA AT WALA NAMAN TALAGA.. EH DI NAGDAGDAG KA LNG… MASAMA YAN… TSK TSK TSK
BINASA MO BA UNG KONTEKSTO? UNG MGA NAUNANG TALATA BASAHIN MO NGA… BAKIT SINABI NI CRISTO “AKO AT ANG AMA AI IISA”? IISA BA SILA SA KALAGAYAN? NASA ISIP NYO LANG UN… SAN SILA IISA? BINASA MO NABA KONTEKSTO? IISA SILA SA LAYUNIN NG PAG-AALAGA SA MGA TUPA NI CRISTO.. YUN UN BROD… HEHEHE PAHIYA KA BA? SYEMPRE DI MO AAMININ HEHEHEH
KUNG SI CRISTO AT AMA AY IISA LANG NA DIYOS… SO C CRISTO NA ANG AMA, SIYA PA ANG ANAK? HUH!?! KAWAWANG MGA TAO]

Nandyan na naman ang pag aakusa. Nabasa ko ang unang mga posts mo at nakita ko ang pagbago ng kulay mo. Sa simula ay nagpakumbaba ngunit kalaonan ay nagmamaliit sa mga kausap. Balik tayo sa konteksto ng buong talatang sinasabi mo. Ang buong mga talata ay umiikot sa claim ng Panginoon na siya ang makapagbibigay ng kaligtasan (Jn. 10:9) analogically referring himself as a “gate”. He also claimed that he is a Shepherd (Jn 10:14) proving that He is the Lord (Col. 2:6) as expressed in the psalm, “The Lord is my Shepherd (Ps. 23:1). The Lord in the mind of the Psalmist in this verse is the God of Israel (Ps. 41:13).

Mali ang iniisip mo dahil hindi katuruan ng Simbahan namin na si Kristo at Ama ay iisang persona. Don’t misrepresent us!!!

[ung ke Tomas… ang tanong ko sau ng sabihin b ni Tomas un, nsa panahon b siya na nangangaral o kalagayan siyang nabigla kaya nasabi niya un? remember nasa panahong sila ay nagtatalu-talo ng magpakita bgla s knila si Cristo..
ganito lng yan… habang naglalakad ka ay bigla ka nakaapak ng palaka.. bglang nasabi mo… “ay kabayo” nangangahulugan b na ung palaka ay kabayo din…?]

Ang paliwanag mo ay malayo sa katotohanan at hindi ayon sa tamang pag iisip. Ang masama ay hindi ito biblical. Una, saan mababasa na “expression” ito ng pagkabigla. Expression kasi sa pagkakaalam ko ay ang nakagawian mong salitain sa tuwing ikaw ay nabibigla. Ang pagkabigla naman ay kung ang isang tao ay walang alam o kunting kaalaman sa magaganap o maaring maganap. Halimbawa nyan ang kwento mo. Ang nangyari kay Tomas ay malayo sa kwento mong kutsero dahil may idea siyang nabuhay ang Panginoon dahil sinabi ng mga kasamahan niya na siya nga ay nagpakita sa kanilang unang pagtitipon na naganap sa unang araw makaraan ang sabbath (Jn 20:19). Si Tomas ay may alam kahit may pagdududa. Ito’y hindi kagaya sa sinasabi mong taong naglalakad at nakaapak ng palaka. Kailan naganap ang sinasabi mong “pagkabigla” ni Tomas? Eight days later ‘yon (Jn 20:26) meaning isang linggo na rin niyang alam ang pagkabuhay ni Kristo bagamat nagdududa nga siya sa kwento. Nang magpakita ang Panginoon ay nagsalita pa sa kanilang lahat bago kinausap si Tomas. Hindi pa ba sapat ito para humupa ang iyong pagkabigla kung ikaw si Tomas?

The reply of Thomas is not an outright manifestation of (having a) shock. St. John did not write “Thomas exclaimed” but simply “Thomas then said…” (Jn 10:28). ang salita ni Tomas ay walang halong pagkabigla bagkus ay pinag isipan bago sinabi. It is therefore an expression of faith (and joy) which Jesus did not rebuke, in fact, confirms it by asking “”You believe because you see me, don’t you?” (Jn 20:29)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles