Video credit to ABS-CBN
Itong sinulat ng isang Catholic sa kanyang Facebook status ay hindi po gawa-gawa lamang dahil napanuod ko po ito personally sa TV Patrol noong nakaraang gabi 13th January 2015. nangyari po ito sa Palo, Leyte.
Ang pinapatungkulan po ay ang isang sekta founded by Mr Felix Manalo o ang INC. madalas kong naririnig at nababasa lalo na sa social networking sites, na binabanggit nila ang ganito “mga kaibigan natin sila”, naalala ko noong debate nila Mr Jose Ventilacion ng INC at ng CFD President Professor Ramon Gatimondoc, ang sabi niya “mga kaibigan natin sila” meron pa nga nagsasabi na “gusto namin kayo maligtas” (parang sure na ligtas na sila ano po? wala pa man ang Panginoon may hatol na sila) pero tila yata nawala ang words na yon at tila nawala yong “practice what you preach” dun nang dahil sa isang simpling poster lamang ng head of state ng Vatican City at leader din ng Catholic Church na darating sa bansa ngayong January 15.
Sa pagkakaunawa ko at binanggit nung isa sa mga INC member (deacon) na humarap sa TV reporter, ang sabi humaharang daw sa kapilya nila at wala naman silang masamang intention kaya nila ito tinanggal, teka, wala kang masamang intention pero bakit mo tinanggal ang kaprasong tarpaulin na nakasabit sa poste na di naman pag-aari ng sinusunod mo? uhmmm something fishy, kung tutuusin paano makakaharang ang isang tarpaulin sa isang malaking kapilya nila? hindi magandang ugali ano po? LOL
Ang sabi po ng Biblia. .
Matthew 22:39
“39 And the second is like to this: Thou shalt love thy neighbour as thyself.”
Sabi pa ni Saint Peter. .
1 Peter 2:17
“17 Honour all men. Love the brotherhood. Fear God. Honour the king.”
Hindi ko naman sinasabing ang mga Kristiyanong Katoliko ay mga perpekto dahil sa mga sinyer kung verses, dahil sa totoo lang para sa mga INC ang Kristiyanong Katoliko ay mga makasalanan, (opinion nila) kahit na kami ang tunay na Simbahan ng Panginoon (ito naman ay totoo), ayon din po yan sa kanila.
PASUGO – Abril 1966 p.46
“Ang Iglesya Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesya ni Cristo”
PASUGO Magazine, July – August 1988 pp. 6.
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.”
Biblically speaking naman po, Catholic Church naman po talaga ang tunay at hindi ko lang opinion yon, kasi Catholic means UNIVERSAL / laganap sa buong mundo / ALL NATIONS tulad ng binabanggit ng Panginoon sa Matthew 28:20. .
“19 Going therefore, teach ye ALL NATIONS: baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Ghost”
Nakakatuwa lang din ang reaction nung Archbishop ng Palo, Leyte na si Arch. John Du sa kabila ng pagtanggal nila sa tarpaulin ang tugon niya “WE ARE FRIENDS” yun ang dapat, hindi po ba? para po sa video Click here
Bilang isang Kristiyanong Katoliko po kasi, wala pa akong natatandaan o nakitang may pinakiaalamang poster ng ibang sekta na nakabalandra kahit sa harap pa yan ng Simbahan, kung sa public naman yon bakit mo papakialaman di mo naman pagmamay-ari ang lugar na iyon.
Ngayon, Catholics man o kahit anong religion o sekta sa mundong ibabaw kayo na ang humusga.