Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

ILAN DAW BA TALAGA ANG DIOS? BAKIT DAW PATI ESPIRITO SANTO AY NAGING DIOS NATIN? By Jonathan Mercadero Loquez

$
0
0
The Holy Spirit proceeding from the Father

The Holy Spirit proceeding from the Father

Ilan daw po ba talaga ang Diyos? Bakit raw pati ang Espiritu Santo ay naging Diyos na rin?
+++
Sagot: IISA LANG PO ANG DIYOS NATIN NA MAY TATLONG PERSONA. ANG HOLY SPIRIT AY DIYOS TALAGA PAGKAT ISA SIYA SA TATLONG KATAUHAN NG DIYOS, NA TINATAWAG NATING BANAL NA KATATLUHAN O HOLY TRINITY.

Ang pagka-Diyos ng Espiritu Santo ay ganap at totoo. HOLY SPIRIT IS FULLY GOD THUS POSSESS ALL THE ESSENTIAL ATTRIBUTES OF GOD. Holy Spirit has INNATE HOLINESS. Sa pangalan pa lang po, sigurado na tayo sa Kanyang kabanalan. Ganap ang Kanyang kabanalan, at ang sinumang lumait sa Kanya ay hindi mapapatawad. The Holy Spirit is UNLIMITED IN TIME(eternality), SPACE(omnipresence), POWER(omnipotence), & KNOWLEDGE(omniscience). The Holy Spirit is eternal(John 14:16; Heb. 9:14), omnipresent(Psalm 139:7-8), omnipotent(Job 33:4; Psalm 104:30), and omniscient(1Cor. 2:10;John 14:26).

Ang Espiritu Santo po ay may KATAUHAN. Holy Spirit is not a mystical force but a divine person. Siya ay may mga personal na katangian na nagpapatunay na Siya’y may katauhan. Holy Spirit has mind/intelligence(1Cor. 2:10-11), emotions(Eph. 4:30), and will(1Cor. 12:7-11).

Napakalinaw po na ang Holy Spirit ay Diyos at may katauhan. Ngunit ang banat na naman po ng mga letra por letra, ay kung makakapagbigay ng talata na direktang nagsasabing Diyos ang Espiritu Santo.

SA ACTS 5:3-4, NAPAKALINAW PO NA IPINAPAHIWATIG NA DIYOS ANG ESPIRITU SANTO.
-sa verse 3, ang sabi ni Pedro ay ito,”Ananias, ano’t napadaig ka kay Satanas at nagsinungaling sa ESPIRITU SANTO?”
-sa verse 4, ganito na ang pahayag ni Pedro, “Hindi ka sa tao nagsinungaling- sa DIYOS ka nagsinungaling!”

GAYUNDIN PO KUNG SUSURIIN ANG 1COR. 3:16 at 6:19.
-sa 3:16, ang sabi ni Pablo ay ganito, “Hindi ba ninyo alam na kayo’y TEMPLO NG DIYOS at naninirahan sa inyo ang Kanyang Espiritu?”
-sa 6:19, ang pahayag ni Pablo ay naging ganito, “Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay TEMPLO NG ESPIRITU SANTO na nasa inyo at tinanggap ninyo mula sa Diyos?”

Ang konteksto po ay malinaw, “HOLY SPIRIT IS GOD”.
+++


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles