Linggo linggo buwan buwan taon taon may lagak ng pasalamat mamumulubi ka dyan. Kung maliit lang sweldo mo sa trabaho kawawa ka. Utos ng Diyos ang pag aabuloy pero hindi ganyang klase na linggo linggo taon taon buwan buwan.
Yes meron po. Yung abuloy po isinasagawa tuwing pagsamba. Syempre twice a week ang pagsamba. Tapos dapat may abuloy ka. Then ang lagak po na tinatawag ay iba pa sa abuloy. Yung lagak po is weekly. Yun na po yung may listahan ng pangalan at halaga ng nilagak. Saka nasayo kung ilang beses ka po maglalagak. Basta iba yan sa abuloy kapag sumasamba po. Yung mga tanging handugan naman po na tinatawag is monthly. Nakalagay sa sobre naman po yun. Then kapag may mga event naman o nasalanta , iba din ang lagak para sa kanila. Then meron ding tinatawag po ng lagak ng pasasalamat. Kapag po araw ng pasasalamat kapag december po. Yearly naman po yan.
Kahit magkano po pwede mo ilagak kaya lang pag may listahan ka ng halaga , nakakahiya pag 5 or 20 lang ilalagay mo lalo na po pag pasalamat. Saka mas namomonitor po kasi nila kung magkano na ang nalalagak mo each month kapag may listahan ng pangalan at halaga. Ganun po sila kasecure. Kung tutuusin , madadala ka nalang na magbigay kasi nakakahiya pag ikaw lang ang walang nalalagak. Kapag di ka nakakapagbigay , hindi mo pupunan. Kakausapin ka na po ng tagapangasiwa tungkol sa kahalagahan ng pag aabuloy.
Sa RCC nga po nalaman ko , pag nais mo maghandog , pupunta ka ng opisina ng parokya para iabot dun. Pero wala akong naririnig na lagak o tanging handugan. Ewan ko ba pag inc ka talaga kahit convert lang para kang nahypnotize. Talagang maglalagak ka po kahit papano. Para itong tradisyon.
kaya po ba bawal ang seaman sa myembro…
Basta po hindi nakakasamba ay itinitawalag. Kung seaman po kase , mas madami ang time sa ibayong dagat. Wala pong mga kapilya kapag nasa gitna ng karagatan eh
Pag di kasi nakadalo ng pagsamba , mapapasama ka mas uunahin mo pa ang ibang bagay kaysa sa pagsamba