Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

MAAARI BANG IKASAL NG SANTA IGLESIA ANG DALAWANG YUMAO NA AT WAGAS ANG PAGMAMAHALAN? By Rev. Fr. Ronnie Lacanienta

$
0
0

The Sacrament of Holy Matrimony in the Roman Catholic Church

The Sacrament of Holy Matrimony in the Roman Catholic Church

Mga kaibigan, may tanong po ako.

May kapangyarihan ba ang Simbahan na ikasal ang dalawang Yumaong magkasintahan, kung papaniwalaan ang testimonya ng mga naiwan nitong Pamilya na wagas ang pagmamahalan ng dalawa kahit nuong bata pa ang mga ito?

naaayon ba ito sa nasusulat sa Mateo Chapter 16, hanggang saan lamang ba limitado ang kapangyarihan ng simbahan upang magkasal? kung hindi man sigurado na sa Langit pumunta ang mga yumao na iyon? kung physical presence ang pag uusapan, pwede bang idaos ang kasal, sa harapan ng dalawang BANGKAY?

Maraming salamat po sa mga sasagot. talgang curious lang ako, sa isang balita na napanuod ko kanina.

 

No hindi sila puedeng ikasal… Dahil alam naman natin na sa kabilang buhay ay hindi na nag-aasawa ang mga anak ng Diyos… Si Hesus mismo ang nagsabi niyon
 
Correction po, bilang pari po ako ay nagsasalita, una po ang batang patay na ay hindi na binininyagan, ang taong patay na ay hindi na pinapahiran ng Banal na Langis, at ito ay pareho sa taong patay na ay hindi na maaaring ikasal….
 
Maaari lamang iyong gawin, kung sa palagay namin mga pari ay mayroon pang kahit kaunting hiblay ng buhay ang bata o ang may sakit, sa kasal naman ay kailangan consciuos pa siya, dahil kailangan niyang sila mismo ang magsabi ng oo sa bawat isa sa kanila... Tandaan natin na sa kasal ang tunay na ministro ng kasal ay ang babae at lalaki, kami ay witness ng Simbahan sa sacramento, at isa sa pinakamahalagang sangkap sa kasal ay ang Consent ng bawat isa, ang patay ay hindi na makapagbibigay ng consent, kaya hindi na maaaring gawin ang sakramento ng kasal.
 

Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles