GOOD DAY PO! ako po ay dating INC (IGLESIA NI CRISTO-MANALO) convert ako sa samahang iyan nung akoy 18 years old, inanyayahan aku ng aming kapitbahay na diakonesa na pumunta sa kanilang pamamahayag sa kapilya nung MAY 10, 2010. nagpaunlak ako dahl wala naman akung gagawin ng gabing iyun at bilang pakikisama na lang sa kapitbahay. dun ko unang narinig na si KA FELIX MANALO daw ang kinatuparan ng ISAIAS 41:9,10; 43:5,6. napahanga ako nung una dahil parang kapani paniwala, nang matapos ang pamamahayag ay tumayo na upang manalangin, nag sign of the cross ako nun dahl akoy katoliko at akoy may suot na rosaryo, sinita ako ng isang matandang diakono, huwag ko daw bastusin ang kanilang kapilya. nang pagdating ng araw ng lunes, inimbitahan ulit ako na pumunta naman ng bible study nila, nagpa unlak ako ulit, di naman daw ako miembro kagad, makikinig lang daw ako. natapos ang bible study at biglang kinuha ang pangalan ko, ang tanong ko, ‘bakit pa kukunin makikinig lang naman ako’ , attendance….lang daw iyun.
Dumating ang mga sumunod na araw at lagi na akung sinusundo sa amin para daw sa BIBLE STUDY nila, natapos ko ang 25 lessons kasabay ng pagsamba nila, nabautismuhan ako nung JAN 22, 2011 .required daw na naka polo at slux daw, buti na lng may polong mga luma ang pinsan ko at mga binili kong pang office attire. inabot ako ng 4 years sa IGLESIA NI MANALO..
Nagsimulang lumiwanag ang kaisipan ko ng mabasa ko sa fb ang ‘KATEKS’ programa ni BRO MARCO EVANGELISTA AT TATAY LARRY MALLARI SA RADIO VERITAS, pinakikinggan ko ito tuwing linggo at nagbabasa ako ng mga pagdepensa ng mga CFD sa facebook, 3 months na akung di sumasamba sa IGLESIA NI MANALO.. nagpapatuloy po ako sa pagsisimba at patuloy din po akung umaattend ng mga programa sa aming parokya.
NAIS KO DIN PONG MAGING CATHOLIC FAITH DEFENDER kung meron pong seminar sa TAGUIG CITY, pupuntahan ko po..
MARAMING SALAMAT PO
yan po ang aking testimonya…
PURIHIN ANG PANGINOON… BRO. MERONG CFD MANILA. PLEASE COORDINATE WITH ATTY. MARWIL LLASOS… HE IS THE HEAD OF CFD MANILA AND CONSIDERED AS THE BEST CATHOLIC APOLOGIST IN METRO MANILA TODAY… HE IS ALSO A VERY GOOD FRIEND OF KUYA MARCO EVANGELISTA, MY GOOD FRIEND AND A VERY POPULAR CATHOLIC APOLOGIST IN RADIO VERITAS. BRO. MARS WILL GIVE YOU FORMATION TO BE A FULL MEMBER OF CFD MANILA.
GOD BLESS YOU…