Ito po ay ilan lamang sa mga natanggap nating compliments para sa ating mga great apologists na sina Fr Abe Arganiosa, Atty Marwil Llasos, Prof Ramon Gitamondoc, Bro Crew EL, Bro. Duane Yan, Bro Wendell Talibong, Bro Rodney Evangelista, Bro ER Losav, Bro Louie Hermosa, at marami pang mga apologists natin na talaga namang nagtatrabaho para sa Simbahan, ipinost po ito hindi para ipagyabang sa mga mambabasa, ito po ay magsisilbing inspirasyon lamang para ipagpatuloy ng bawat mananampalataya ang pagtatanggol sa Simbahang itinatag ng Panginoon sa pamamagitan ni San Pedro [Matthew 16:18]
Tayo bilang isang mananampalatayang Katoliko ay may karapatan o dapat ipagtanggol ang ating pananampalataya laban sa gustong sumira nito, tandaan natin, ang pananampalataya MO ay para yan sa sarili MOng kaligtasan, hindi ka lang nananamplataya dahil gusto mo lang makiuso sa gawain ng iba.
At bilang tagapagtanggol na ng ating Simbahan, karapatan mo din na maging tagapaghatid ng magandang balita sa iyong kapwa, maging siya ay nasa loob na ng Simbahan o sa ibang pananampalataya. kabilang narin tayong mga ordinaryong mananamplataya sa ipinagbilin ng Panginoon sa mga apostol. .
Matthew 28:19
“19 Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit”