BIBLE ALONE o SIMBAHAN?
Mr. Joenahsan Olazo, ayon po sa mga sinabi mo ay napansin ko kung paano ka pong NAITALIKOD ng mga BAGONG LITAW na MANGANGARAL sa SANTA IGLESIA KATOLIKA.
UNA, napaniwala po nila kayo na sa pasimula pa lang ay may BIBLIYA na gamit ang Talata sa Genesis 1 at Juan 1:1. Ibig po bang sabihin ng mga PASTOR nyo ay NAGHULOG ang DIYOS AMA ng AKLAT mula sa LANGIT upang maging TANGING BASEHAN natin sa pananampalataya?
PANGALAWA, bibliya po ba ang tinutukoy sa 2Timoteo 3:16? Hindi nyo po ba alam na Personal na SULAT yan ni SAN PABLO kay Timoteo? Kahit po mismong si SAN PABLO ay hindi INAKALA na magiging BIBLIYA ang mga SULAT niya. SIMBAHANG KATOLIKO lang po ang NAGPASYA na maisama sa pagbuo ng BIBLIYA ang mga sulat na yan ni San Pablo.
PANGATLO, wala pong iniwan sa atin na AKLAT o BIBLIYA ang Panginoong Hesukristo. SIMBAHAN po ang iniwan Niya sa atin (Mateo 16:18). Kaya nga po ang sabi ng mismong BIBLIYA sa atin ay SIMBAHAN daw po ang SALIGAN at SANDIGAN ng KATOTOHANAN ayon sa 1Timoteo 3:15.
Sana po Ginoong Joenahsan Olazo ay NAGBASA po muna kayo ng KATEKISMO at KASAYSAYAN ng mga UNANG KRISTIYANO upang nalaman nyo po sana na noong ninais ng DIYOS na MAIPAHAYAG ang Kanyang sarili sa TAO ay HINDI po Siya NAGHULOG ng AKLAT mula sa LANGIT. Ipinadala po niya ang Kanyang BUGTONG NA ANAK na si Hesus dito sa lupa. At si Hesus naman po ay BUMUO ng LABINDALAWANG ALAGAD upang MAKATULONG Niya sa pagpapahayag at pagpapalaganap ng EBANGHELYO sa loob ng TATLONG TAON.
Bago po lisanin ng Panginoon itong mundo ay HINDI po AKLAT ang iniwan Niya sa atin kundi SIMBAHAN. IPINAMANA ni Hesus at ng mga Apostol ang EBANGHELYO sa SIMBAHAN sa pamamagitan ng SAGRADONG TRADISYON o SALITA upang MAIPAHAYAG ang EBANGHELYO at ang SIMBAHAN po na yan ang magsilbing GURO natin lahat.
Subalit nang sumapit ang panahon ni Martin Luther noong 16th century ay doon na nagsimula ang PAG-AAKLAS o PAGPU-PROTESTA. Ayon po kasi kay Martin Luther ay matatamo niya ang KALIGTASAN sa pamamagitan lamang ng pagbabasa ng BIBLIYA at PAG-IINTERPRET nito sa sarili kahit TIWALAG siya sa SIMBAHAN na SIYANG KATAWAN ni KRISTO – (Col 1:24, 1 Cor 12:27). At sana po ay alam nyo rin na IBINIGAY at ISINAKRIPISYO ng Panginoon ang Kanyang SARILING BUHAY para sa SIMBAHAN – ( Ephesians 5:21-32). Kaya kung KINAKALABAN nyo po ang SIMBAHAN ay KINAKALABAN nyo rin po si KRISTO.
Sana po ay nakatulong ako ng kaunti para sa KALIWANAGAN ng ISIP mo Ginoong Joenahsan Olazo… SALAMAT din po!