-
Doy Fajardo
Good evening father. Lahat po ng post nyo sa cfd ay nakasave sa aking tablet at aking binabasa palagi…
May tanung po sana ako, kanina kasi nagsimba ako at narinig ko ang first reading sa galatians 2 na kung saan parang pinagalitan o inaway ni saint paul si saint peter… di po ba si saint peter ang pinakahead ng mga apostles noon bakit ganun na lamang siya pagsalitaan ni saint paul? Medyo naguguluhan po ako… Maraming salamat po. Mabuhay po kayo…
-
[Good evening father.]
GOOD EVENING TOO DOY.
[Lahat po ng post nyo sa cfd ay nakasave sa aking tablet at aking binabasa palagi...]
O I SEE. MARAMING SALAMAT SA IYONG SUPORTA AT PAGTANGKILIK.
[May tanung po sana ako, kanina kasi nagsimba ako at narinig ko ang first reading sa galatians 2 na kung saan parang pinagalitan o inaway ni saint paul si saint peter...]
HA HA HA… ALAM KO NA ANG TALATANG IYONG TINUTUKOY. ITO YON:
Gal 2:11-14 [Ang Biblia] “Nguni’t nang dumating si Cefas sa Antioquia, ay sumalansang ako sa kaniya ng mukhaan, sapagka’t siya’y nararapat hatulan. Sapagka’t bago nagsidating ang ilang mula kay Santiago, ay nakisalo siya sa mga Gentil; nguni’t nang sila’y magsidating na, siya’y umurong, at humiwalay sa mga Gentil, palibhasa’y natatakot sa mga sa pagtutuli. At ang ibang mga Judio ay nangagpakunwari rin namang kasama niya: ano pa’t pati si Bernabe ay nabuyo sa kanilang pagkukunwari. Nguni’t nang aking makita na hindi sila nagsisilakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng evangelio, sinabi ko kay Cefas sa harapan nilang lahat, Kung ikaw, na Judio, ay namumuhay gaya ng mga Gentil, at di gaya ng mga Judio, bakit mo pinipilit ang mga Gentil na mamuhay na gaya ng mga Judio?”
HINDI NAMAN INAAWAY KASI MAGKAKAMPI SILA AT MAGKAIBIGAN. NAGKAMALI SI ST. PETER HINDI SA DOCTRINA KUNDI SA TAMANG PAKIKITUNGO SA MGA TAO.
[di po ba si saint peter ang pinakahead ng mga apostles noon bakit ganun na lamang siya pagsalitaan ni saint paul? Medyo naguguluhan po ako...]
WELL, IT IS NORMAL SA LEADER NA PAGALITAN NG KANYANG MGA SUBORDINATES. WE CRITICIZE OUR TEACHERS PAG MALI SILA. ANG MGA SENADOR E PINAPAGALITAN ANG PRESIDENTE PAG PARA SA KANILA MALI ANG DESISYON NG PRESIDENTE. PERO HINDI NANGANGAHULUGAN IYON NA HINDI NA HEAD SI ST. PETER. KASI NAKALAGAY DIN SA FIRST READING KANINA NA SI ST. PETER AY PILLAR OF THE CHURCH.
ANG TAWAG NATIN DIYAN AY FRATERNAL CORRECTION.
[Maraming salamat po.]
WELCOME. GOD BLESS YOU. PLEASE CONTINUE SUPPORTING OUR BLOG.
-
↧
KUNG SI ST. PETER ANG LIDER NG MGA APOSTOLES BAKIT SIYA PINAGALITAN NI ST. PAUL?
↧