Quantcast
Channel: admin
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

SAAN GALING ANG NAPANGASAWA NI CAIN KUNG PURO LALAKI ANG ANAK NI ADAN AT EBA? By Fr. Abe Arganiosa

$
0
0
The Creation, God Introducing Adam and Eve, from 'Antiquites Judaiques', c.1470-76, Jean Fouquet, Bibliotheque Nationale, Paris, France

The Creation, God Introducing Adam and Eve, from ‘Antiquites Judaiques’, c.1470-76, Jean Fouquet, Bibliotheque Nationale, Paris, France

 

Ely Smith

then, ito naman ang isa: ang tao galing lang kay adan at eba,,, diba 2 lng muna anak nila,,c cain at abel,, pinatay ni cain c abel tapos pinalayas sya sa malayo,, tapos sabi doon e nakapangasawa sya,,, saan galing un napangasawa nya?????
The Splendor of the Church Fanpage

ANG BIBLIA AY NAPAKALINAW NA NAGPAPAHAYAG NA SI ADAN ANG UNANG TAO AT SI EBA ANG UNANG BABAE. KAYA DAHIL DITO WALANG DUDA NA ANG NAPANGASAWA NI CAIN AY ANAK DIN NI ADAN AT NI EBA:

1 Cor 15:45 [KJV] “And so it is written, The first man Adam was made a living soul; the last Adam was made a quickening spirit.”

Gen 4:16-17 [Good News] “And Cain went away from the LORD’s presence and lived in a land called “Wandering,” which is east of Eden. Cain and his wife had a son and named him Enoch. Then Cain built a city and named it after his son.”

PAPANONG MANGYAYARI IYON SAMANTALANG SI CAIN AT SI ABEL LAMANG ANG BINANGGIT NA MGA ANAK NI ADAN AT EBA SA BIBLIA? HINDI MERON PANG ISA SI SETH.

Gen 4:1-2 [Good News] “Then Adam had intercourse with his wife, and she became pregnant. She bore a son and said, “By the LORD’s help I have gotten a son.” So she named him Cain. Later she gave birth to another son, Abel. Abel became a shepherd, but Cain was a farmer.”

Gen 4:25 [Good News] “Adam and his wife had another son. She said, “God has given me a son to replace Abel, whom Cain killed.” So she named him Seth.”

SUBALIT, MULING ITATANONG: PAPANONG NAKAKUHA NG ASAWA SI CAIN GAYONG TATLONG LALAKI SILANG MAGKAKAPATID AT NAMATAY PA SI ABEL? ANG SAGOT AY SIMPLE. WALANG SINABI ANG BIBLIA NA SILANG TATLO LANG ANG ANAK NI EBA AT NI ADAN. SA HALIP, SILANG TATLO LANG ANG BINANGGIT SA BIBLIA SUBALIT NANGANGAHULUGANG HINDI LIMITADO SA KANILA ANG NAGING MGA SUPLING NI EBA AT NI ADAN. ISA, PA WALANG SINABING EDAD NI ABEL AT CAIN NUNG SI ABEL AY PINATAY. MAAARING ANG UNANG PAGPASLANG AY NAGANAP NUONG SILA AY NASA MIDDLE AGE NA KAYA NAGKAROON NA SILA NG MGA SUPLING.

ANG BIBLIA KASI AY SINULAT NG MGA HEBREW O ARAMEAN WRITERS. ANG KULTURA AT PANANAW NILA NUON AY PATRIARCHAL AT NAKA FOCUS SA MALE FIGURES. TULAD NUNG PANAHON NG PANGINOONG JESUS NA ANG BINIBILANG LANG AY ANG MGA LALAKI SUBALIT HINDI NANGANGAHULUGAN IYON NA WALANG BABAE NUON. KAYA NGA ANG SABI SA UMPISA PA LANG: “Male and female He created them” [Gen 1:27]. DIYAN PA LANG PINAKIKITANG KUNG PAPANONG MALE AND FEMALE ANG UNANG PARES NG TAO GAYON DIN NAMAN ANG MGA SUMUNOD SA KANILA. HINDI IYONG UNANG PARES MAY BABAE TAPOS ANG SUSUNOD E PURO LALAKI LANG. GOD BALANCED EVERYTHING FROM THE VERY BEGINNING.

ANG STORY NI CAIN AT NI ABEL AY ESPESYAL NA BINIGYANG PANSIN SA BIBLIA DAHIL ITO AY NAGBIBIGAY NG RELIGIOUS TRUTH AT MORAL VALUES OR MORAL PRINCIPLES. NAGPAPAHAYAG ITO NG KATOTOHANANG ANG MURDER O PAGKITIL NG BUHAY AY MASAMA, ITO AY TALIWAS SA NAIS AT TURO NG DIOS NA NAGBIGAY BUHAY SA TAO. NAGTUTURO ITO NG SACREDNESS OF HUMAN LIFE [KABANALAN NG BUHAY NG TAO] AT ANG DAPAT NA PAGPAPAHALAGA SA BAWAT BUHAY. NAGTUTURO ITO NG MGA SUMUSUNOD NA MORAL PRINCIPLES:

1. ANG KABANALAN NG BUHAY NG TAO

2. DAPAT BIGYANG HALAGA ANG BUHAY NG TAO

3. DAPAT MAGMAHALAN ANG MGA TAO DAHIL SILA AY MAGKAKAPATID SA PANGINOON

4. HINDI DAPAT MAG-INGGITAN ANG MGA TAO DAHIL MAY KANYA KANYANG PAGPAPALA ANG DIOS SA BAWAT ISA

5. ANG KASALANAN AY NASA PUSO NG BAWAT TAO KAYA DI DAPAT MAGPADALA SA TUKSO AT UDYOK NG KASALANAN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3780

Trending Articles