yung gf ng kapatid ko daming tanong about catholic teachngs kase sa baptist school sya nag aral nun hanggag highschool .. ang di ko nasagot…
BAKIT daw MAY SING SING PA NG MGA BISHOPS AT POPE EH WALA NAMAN YUN SA TURO NI JESUS?
THE POPE AND THE BISHOPS ARE REPRESENTATIVES OF THE KING [JESUS] ON WHOSE NAME THEY MANAGE OR ADMINISTER THE CHURCH. THE RING IS THE SYMBOL OF THE AUTHORITY BY JESUS THE KING. IT IS TAKEN FROM THE RING OF JOSEPH THE DREAMER GIVEN BY THE GOOD OR BENEVOLENT KING OF EGYPT:
[All verses from ANG BIBLIA]
Gen 41:40 Ikaw ay MAGPUPUNO SA AKING BAHAY, at ayon sa iyong salita ay pamamahalaan mo ang aking buong bayan: sa luklukang hari lamang magiging mataas ako sa iyo.
IYAN ANG PAGBIBIGAY NG KAPANGYARIHAN MULA SA HARI UPANG MAMUNO SA BAHAY NG HARI.
Gen 41:41 At sinabi ni Faraon kay Jose, Tingnan mo, ikaw ay inilagay ko sa buong lupain ng Egipto.
ST. PETER AND HIS SUCCESSORS, THE POPE, WERE CHOSEN TO BE LEAD THE ENTIRE CHURCH.
Gen 41:42 At inalis ni Faraon sa kamay niya ang kaniyang tandang SINGSING at inilagay sa kamay ni Jose, at siya’y SINUUTAN NG MAGANDANG LINO at nilagyan siya ng isang kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg;
KAYA NAMAN ANG POPE NA NAHIRANG UPANG MAMAHALA SA BUONG BAYAN NG ROMA AT SA BUONG SAMBAHANAN NG DIOS NA WALANG IBA KUNDI ANG SANTA IGLESIA AY SINUSUOTAN NG SINGSING AT NG MAGANDANG LINONG DAMIT. KAYA KULAY PUTING LINO ANG SUOT NG PAPA AT MAY PAPAL RING. ANG BISHOPS DIN AY PUTING LINO ANG SUOT SA LOOB AT MAY SINGSING DIN TANDA NG KANILANG PAMAMAHALA SA BAYANG ITINALAGA SA KANILANG PAMUMUNO.
Gen 41:43 At siya’y pinasakay niya sa ikalawang karro na tinatangkilik ni Faraon at isinisigaw sa unahan niya. Lumuhod kayo: at inihalal siya na puno sa buong lupain ng Egipto.
O KITAM, YUNG GINAWA KAY JOSEPH THE DREAMER AY TULAD NG GINAGAWA SA POPE. NILALAGAY SA KARRO AT MAY ISINISIGAW: “VIVA”… SI JOSEPH THE DREAMER DIN AY PWEDENG LUHURAN.
Gen 41:44 At sinabi ni Faraon kay Jose, Ako’y si Faraon, at kung wala ka ay hindi magtataas ang sinomang tao ng kaniyang kamay o ng kaniyang paa sa buong lupain ng Egipto.
ANG PANANALITANG ITO NG GOOD PHAROAH AY FORESHADOWING NG AUTHORITY GIVEN BY THE LORD JESUS TO ST. PETER:
Mt 16:19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.
GAYON DIN SA IBA PANG MGA APOSTOL NA BINIGYAN NG AUTHORITY IN THE CHURCH:
Mt 18:18 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.
ANG CHURCH ANG BAHAY O SAMBAYANAN NG DIOS:
1 Tim 3:15 Nguni’t kung ako’y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.
KAYA ANG MGA PINILING MAMAHALA SA CHURCH AY TULAD NI JOSEPH THE DREAMER NA GINAWANG TAGAPAMAHALA NG SAMBAYANAN NG HARI. ANG POPE AY SUCCESSOR OF ST. PETER NA SIYANG FIRST POPE NG SANTA IGLESIA DAHIL SIYA ANG INATASANG MAG-ALAGA AT MAGPAKAIN SA MGA TUPA NG DIOS, MEANING SA LAHAT NG MEMBERS NG CHURCH:
Jn 21:15-17 Kaya’t nang mangakapagpawing gutom sila, ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga ako ng higit kay sa mga ito? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Pakanin mo ang aking mga kordero. Sinabi niya sa kaniyang muli sa ikalawa, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Alagaan mo ang aking mga tupa. Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka’t sa kaniya’y sinabing makaitlo, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa.
PANGALAWA KAY ST. PETER ANG IBA PANG APOSTOL AY HINIRANG NA ELDERS OF THE CHURCH [PRESBYTERS O PARI] AT MGA OBISPO [TAGAPANGASIWA] AT ITO AY NAGPATULOY SA MGA KAHALILI NILANG MGA PRESBYTERS AND BISHOPS:
1 Pet 5:1-4 Sa matatanda nga sa inyo’y umaaral ako, akong matandang kasamahan ninyo, at isang saksi ng mga hirap ni Cristo, na may bahagi naman sa kaluwalhatiang ihahayag: Pangalagaan ninyo ang kawan ng Dios na nasa inyo, na magsigamit kayo ng pagpupuno, na hindi sapilitan, kundi may kasayahan, na ayon sa kalooban ng Dios; ni hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan, kundi sa handang pagiisip; Ni hindi din naman ang gaya ng kayo’y may pagkapanginoon sa pinangangasiwaang ipinagtagubilin sa inyo, kundi kayo’y maging mga uliran ng kawan. At pagkahayag ng pangulong Pastor, ay magsisitanggap kayo ng di nasisirang putong ng kaluwalhatian.